Dina Bonnevie, nakipagpalit ng role kay Snooky Serna sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday

by Jojo Gabinete
Jan 21, 2020
Ipinaliwanag ni Dina Bonnevie (nasa larawan) kung bakit nakipagpalit siya ng role kay Snooky Serna sa teleserye nilang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ang ipapalit ng GMA-7 sa timeslot ng Beautiful Justice, na magwawakas sa darating na Biyernes, January 24.

Magsisimulang mapanood sa Kapuso Network ang Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday sa January 27.

Parang birthday presentation na rin ito ni Dina Bonnevie dahil magdiriwang ang aktres ng kanyang kaarawan sa naturang petsa.

May interesting anecdote si Dina tungkol sa role niya sa bagong primetime series ng GMA-7 dahil, originally, ang Waray character ni Snooky Serna ang kanyang gagampanan.

Pero sumunod siya sa payo ng asawa niya, si Deogracias Victor “DV” Savellano, ang house representative ng 1st District ng Ilocos Sur.

Kuwento ni Dina, "Actually, hiningi ko na ako ang maging Biday.

"Kasi my husband, congressman po siya ngayon, is from Ilocos.

"So, nung sinabi ko sa husband ko na, ‘Uy, may project kami ni Snooky,’ excited din siya. Kasi kilala rin niya yung partner ni Snooky."

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Dina na "partner" ni Snooky ay si dating Bulacan Vice Governor Ramon Villarama.

Patuloy ng aktres, "Sabi niya, ‘That’s good, ano ang role mo?’

"Sabi ko, 'Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday, ako yung Waray!'

"'Bakit? Dapat ikaw si Biday.'

"So, hiningi ko talaga, ako yung Biday.

"I’m very happy kasi it’s also one way of promoting our province.

"I’m very proud that I’m an adopted daughter of Ilocos Sur, although Ilocos Norte ‘yan.

"Ang mga Ilocano naman, iisa lang ‘yan.

"Maganda po ang probinsiya ng Ilocos, and I’m inviting you to go there."

Para patunayang Ilocana na rin siya sa tunay na buhay, ipinakita ni Dina sa presscon ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday kagabi, January 21, ang kanyang husay sa pagsasalita ng Ilocano dialect, kaya pinalakpakan siya ng entertainment press.

"Palaban" ang description ni Dina sa role niya sa bagong primetime series ng GMA-7, pero may light moments din ang mga eksena nila ni Snooky.

Continue reading below ↓

"Ang hirap nga, e, kasi kuwentuhan kami nang kuwentuhan sa tent, biglang pagdating ng eksena, nagbubugbugan kami.

"Si Snooky, tawa nang tawa.

"Sabi ko, 'Snooks,sigurado akong galit sa 'yo. Seryoso ito.' [Sabi niya] 'Natatawa ako sa 'yo.'

"Ako rin naman, natatawa sa kanya, kasi hindi ako sanay na palaban siya.

"Yung mga movies namin noon ni Snooky, mahinhin siya, mabait, laging kawawa."

Sabay na inilunsad ng Regal Films sina Dina at Snooky, kasama si Maricel Soriano, sa pamamagitan ng pelikulang Underage noong 1980.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinaliwanag ni Dina Bonnevie (nasa larawan) kung bakit nakipagpalit siya ng role kay Snooky Serna sa teleserye nilang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results