Yam Concepcion, natakot sa dummy cadavers sa NightShift

by Jojo Gabinete
Jan 22, 2020
Yam Concepcion on her showbiz projects: "Masaya na maging busy. Nakakapagod din, pero very appreciative naman ako sa lahat ng mga blessing na dumarating sa akin."
PHOTO/S: Yam Concepcion Instagram

R-13 ang classification ng MTRCB sa NightShift dahil may nude scenes sa horror movie na pinagbibidahan nina Yam Concepcion at Michael de Mesa na nagbukas sa 130 cinemas nationwide ngayong araw, January 22.

Matindi rin ang mga gory scene sa NightShift tulad ng aktuwal na pagpapakita ng pag-eembalsamo ni Michael sa mga patay, dahil nangyari sa isang morgue ang kuwento ng pelikula na mahirap irekomenda sa mga taong mahihina ang puso at takot sa dugo.

Mga dummy cadaver ang ginamit sa mga eksena, pero takot na takot si Yam dahil parang mga tunay na patay na tao ang kasama niya na dahilan para alisin ng Instagram administrator ang litrato na naka-post sa kanyang account.

Continue reading below ↓

"Nakakatakot, parang totoo kasi lahat ng body parts, kumpleto.

"Nag-post nga ako sa social media ng picture. Tinanggal ng Instagram, akala nila totoong tao na nakahubad, e, that was just a dummy."

Ayon pa kay Yam, "Cerebral horror film ang NightShift.

"Noong nabasa ko yung script at nang mapanood ko yung trailer, there’s this eeriness in the calmness ng film.

"Yun ang nakakatakot, hindi yung gulat-gulat.

"Mas malalim pa doon, parang psychological siya."

To date, ang karakter ni Yam sa NightShift ang most challenging role niya at pinakamahirap, dahil kasama siya sa lahat ng mga eksena mula umpisa hanggang katapusan, pero walang reklamo na maririnig mula sa kanya.

In fact, masayang-masaya si Yam dahil siya ang napili ng direktor na si Yam Laranas bilang bida ng NightShift.

"He respects my craft. He’s very clear with his vision, kung ano ang gusto niya.

"But at the same time, he still gives you the freedom as an artist. Ang sarap niyang katrabaho," papuri ni Yam sa direktor na katukayo niya.

Continue reading below ↓

At the same time, masaya si Yam dahil sunud-sunod ang kanyang mga project.

"Masaya na maging busy. Nakakapagod din, pero very appreciative naman ako sa lahat ng mga blessing na dumarating sa akin," sabi ni Yam.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yam Concepcion on her showbiz projects: "Masaya na maging busy. Nakakapagod din, pero very appreciative naman ako sa lahat ng mga blessing na dumarating sa akin."
PHOTO/S: Yam Concepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results