Ogie Alcasid at Jericho Rosales, binisita ang evacuation centers sa Batangas

Ogie Alcasid nagpunta sa Tuy; Jericho Rosales nagtungo naman sa Alitagtag at Bauan.
by PEP Troika
Jan 22, 2020
Sina Ogie Alcasid at Jericho Rosales ang karagdagan sa listahan ng showbiz personalities na nagsadya sa mga evacuation center sa Batangas upang maghatid ng relief goods at kasiyahan sa mga kababayan nating biktima ng pagputok ng Taal Volcano.
PHOTO/S: Ogie Alcasid Instagram / Noel Orsal

Sina Ogie Alcasid at Jericho Rosales ang karagdagan sa listahan ng showbiz personalities na nagsadya sa mga evacuation center sa Batangas upang maghatid ng relief goods at kasiyahan sa mga kababayan nating biktima ng pagputok ng Taal Volcano noong January 12, 2020.

Kasama ang mga miyembro ng Camera Club of the Philippines, ang Mutya ng Pilipinas 2019 winners, at si former House Representative Miles Roces, ang evacuation centers sa Tuy at Nasugbu ang binisita ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malapit na malapit sa puso ni Ogie ang Batangas dahil mula sa bayan ng Taal ang kanyang mga magulang na nagmamay-ari ng Rural Bank of Taal.

Idinaos naman sa St. Martin de Tours Basilica o Taal Basilica Church noong 1996 ang pag-iisang dibdib ni Ogie at ng kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimeren.

Nang pakasalan ni Ogie ang kanyang second wife na si Regine Velasquez, ang Batangas pa rin ang pinili nilang venue.

Ikinasal ang dalawa sa Terrazas de Punta Fuego sa Nasugbu noong December 22, 2010.

Ang mga kababayan natin sa evacuation centers sa Alitagtag at Bauan naman ang dinalaw at binigyan ni Jericho Rosales ng relief goods.

Noong Sabado, January 18, ang Kapuso Foundation ng GMA Network Inc. ang naghatid ng tulong sa evacuees sa San Luis, Batangas.

Lubos ang pasasalamat ng Taal Volcano eruption victims na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center.

Pero sinabi nilang nangangailangan din ng suporta ang mga residente na pinatuloy sa kanilang mga tahanan ang ibang mga pamilya na nasalanta ng kalamidad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, kasalukuyang nagaganap sa Batangas Convention Center ang plenary session ng mga kongresista para personal nilang marinig ang mga concern at pangangailangan ng mga Batangueño na naapektuhan ng pagputok ng Taal Volcano.

Kabilang sa mga dumalo si Lipa City Representative Vilma Santos-Recto, na hindi nagkulang sa pag-aasikaso at pagbibigay ng tulong sa kanyang mga kababayan.

Nanungkulan si Vilma bilang gobernador ng Batangas province mula June 2007 hanggang June 2016.

Kauupo pa lamang ni Vilma sa puwesto nang maging malaking isyu ang construction ng isang Korean spa sa Taal Volcano island noong June 2007.

Project ng Korean firm na Jung Ang Interventure Corporation ang Taal Island Spa Resort na nagkakahalaga ng P72 million.

Pero tinutulan ito ng Star for All Seasons, ng simbahan, at ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sa panayam kay Vilma ng GMA News noong 2007, sinabi niya na "There is nothing wrong with the development. People will be given jobs and the [local] economy will improve. Fine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But there are particular things to consider. And we are talking of constructing something on [a site considered] a national treasure."

Malaki ang dapat ipagpasalamat ng Korean firm kay Vilma at sa ibang mga personalidad na tumutol na magtayo sila ng spa sa Taal Volcano island dahil kung natuloy ito, tiyak na kasama ang kanilang negosyo sa mga naperhuwisyo ng pag-aalburoto ng bulkan noong January 12.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Ogie Alcasid at Jericho Rosales ang karagdagan sa listahan ng showbiz personalities na nagsadya sa mga evacuation center sa Batangas upang maghatid ng relief goods at kasiyahan sa mga kababayan nating biktima ng pagputok ng Taal Volcano.
PHOTO/S: Ogie Alcasid Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results