Sa Intramuros kinunan ang The Walls of Hell (1964), Bourne Legacy (2012), at ang Hong Kong movie na Naked Weapon (2002). Liban sa tatlong international films, sa Intramuros, Manila, rin kinunan ang Tagalog movies na The Elsa Castillo Story (1994) at Larawan (2017).
Ang Intramuros, na tinawag na Walled City at isang heritage site, ang headline ngayon ng mga balita.
Dala ito ng isang Chinese-looking national na nakunan ng litrato habang dumudumi sa isang paso sa Baluarte de San Franciso de Dilao ng heritage site.
Ang Facebook user na si Dos Alvarado ang nag-upload ng mga litrato ng male foreigner na caught in the act na dumudumi nitong Linggo ng umaga, January 26, 11:09 am.
Sa panayam kay Alvarado ng Manila Bulletin, sinabi niya na may tatlong lalaking kasama ang dayuhan at may security guard na nakabantay, pero hindi nito napansin ang karumal-dumal na insidente.
Mabilis na kumalat ang mga litrato na kuha ni Alvarado kaya isang manhunt ang ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno para madakip ang suspect.
Ngayong gabi, naglabas ng official statement ang Intramuros Administration tungkol sa pambababoy na ginawa ng dayuhan sa Intramuros pero itinanggi nila ang mga litrato na inilabas ni Alvarado.
Narito ang kabuuan ng Intramuros Administration official statement:
“This morning, upon receiving the photos of the alleged defecation of a foreign national in Intramuros, the Intramuros Administration immediately dispatched a team to check the area.
“After sifting through the location, the personnel deployed reported that there is No waste in the area, contrary to what is thought to be insinuated in the photo.
“We ask that the public be vigilant in terms of our heritage sites and to call the attention of any law enforcement officer, or security officers who are posted in all areas, should there be any similar instances in the future.
“With this, we reiterate our call for everyone to be mindful of our environment and to practice responsible tourism, especially in our heritage sites.”
Sinabi ni Intramuros Administrator head lawyer Guiller Asido sa Manila Bulletin na walang verified report tungkol sa nag-viral na larawan ng dayuhan.
“There was no report from the guard. We also checked the site, no waste seen.
“We are concerned that instead of calling [the] attention of guard who is posted there if true, the one who posted it is using this for anti-Chinese sentiment,” ang pahayag ng Intramuros Administration.
Mariin namang kinontra ito ni Jefferson Mendez, ang Lyceum of the Philippines University instructor na kasama ng mga estudyanteng nakasaksi sa ginawa ng dayuhan.
Ayon sa Facebook post ni Mendez, legit ang mga uploaded photo ni Alvarado sa Facebook.
Lahad ni Mendez, “This was captured by my student earlier today when we were having our Intrawalk tour. Busy akong nagdi-discuss about the history of the area nu’ng nakita namin na parang may ginagawa na s’yang kakaiba sabi ko wag na lang tingnan kasi ang baboy pero di na pala naiwasan ng student kong i-upload sa social media gawa ng galit sa nasabing foreigner. Hindi pinotoshop or ni walang anumang anti-Chinese sentiment ang nag upload na student.
“Maghapon kaming magkasama at ni isang tawag or pag-reach out coming from Intramuros administration ay walang naganap (taliwas ito sa pinalalabas na pahayag ng IA). Sana lang makita mismo ng nasa taas yung esensiya ng pag-upload ng mga picture para maparusahan ang mga salahulang dayuhan na yan.”
Ang diumano’y pambababoy ng dayuhan sa Intramuros ang pangalawang insidente na nagsasangkot ang mga Chinese national.
Noong January 24, in-upload ni Ralph Jason Copiaco ang litrato na kuha niyang nagpapakita sa apat na Chinese national na lantaran na umiihi sa kanto ng Buendia Avenue at Ayala Avenue.
“And Yes... this is just tonight... 4 Chinamen pissing along Buendia cor Ayala Ave.Cumon, you’re in the middle of the business district. Geesh, i just live across and I can literally shoot you,” ang caption ng concerned citizen na nagalit sa paglapastangan ng mga dayuhan sa ating kapaligiran.