Barbie Forteza at Kate Valdez, inulan ng papuri mula kay Celia Rodriguez

by Jojo Gabinete
Jan 26, 2020
Veteran actress Celia Rodriguez (center) on Kapuso stars Barbie Forteza (left) and Kate Valdez (right): “Hindi na dapat payuhan ‘yan. They know what they’re doing, ang gagaling. I know they have a good future for as long as they maintain their professionalism."
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram

Very flattering para kina Barbie Forteza at Kate Valdez ang mga papuri sa kanila ng veteran at respected actress na si Celia Rodriguez.

Nang tanungin si Celia tungkol sa mga maipapayo nito sa dalawang lead stars ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday para magtagal sa industriya, sinabi niyang hindi na kailangan nina Barbie at Kate ng payo.

“Hindi na dapat payuhan iyan. They know what they’re doing, ang gagaling.

"I know they have a good future for as long as they maintain their professionalism.

"Si Barbie, napaka-professional niyan at saka karinyosang bata.

“At saka ito naman si seksi o [Kate], apo ko, napaka-professional.

“Kaming mga “movement,” may edad na, nale-late. Nahihiya kami sa mga bago, palaging nasa set, naka-make up, alam ang mga lines.

“I’m so proud sa mga batang ito. They will have a good future because not only that they look up at us.

“They look up at us pero nagtatanong sila kung paano ba ito, kung dapat ba itong salita na ito. They really have a goal to be someone that people will look up at them also when the time comes.

Continue reading below ↓

“And I know that Barbie and this, my apo Kate, will be big stars someday, and we will look up at them and say, 'Wow, I worked with them!'” papuri ni Celia para kina Barbie at Kate na bakas sa mga mukha ang magkahalong tuwa at saya dahil sa mga magagandang salita mula sa isang nirerespetong aktres sa Philippine entertainment industry.

Si Celia ang gumaganap bilang Alondra, ang ina ni Sussie Biday na ginagampanan ni Dina Bonnevie at lola ni Caitlyn, ang karakter ni Kate sa Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday, ang prime-time television series ng GMA-7 na mapapanood simula ngayong January 27.

Unang nagsama sina Celia at Dina sa Katorse, ang 1980 blockbuster movie ng Regal Films. Ang Katorse ang launching movie ni Dina na ipinalabas sa mga sinehan noong July 23, 1980.

Naulit ang pagsasama nila ni Celia at Dina sa Underage na hit movie rin ng Regal Films. Ipinalabas naman ito sa mga sinehan noong October 17, 1980.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Celia Rodriguez (center) on Kapuso stars Barbie Forteza (left) and Kate Valdez (right): “Hindi na dapat payuhan ‘yan. They know what they’re doing, ang gagaling. I know they have a good future for as long as they maintain their professionalism."
PHOTO/S: @kapusoprgirl on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results