PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, dinalaw ni Kris Aquino sa bisperas ng kaarawan ng Wowowin host

Willie Revillame, live na ipagdiriwang ang kaarawan sa Wowowin ngayong January 27.
by Jojo Gabinete
Published Jan 27, 2020
Dumalaw si Kris Aquino sa Wowowin studio kagabi, January 26, kasama ang kanyang anak na si Bimby, para personal na batiin si Willie Revillame ng maligayang kaarawan.
PHOTO/S: Courtesy of Erick Santiago

Live na mapapanood ang game show ni Willie Revillame sa GMA-7 na Wowowin ngayon gabi, January 27.

Bukod sa kanyang birthday presentation, iniaalay ni Willie sa mga biktima ng Taal Volcano eruption ang broadcast ng kanyang toprating game show.

Ngayong January 27 ang ika-59 kaarawan ni Willie kaya binati siya kagabi ng Cabinet Files ng "Happy birthday."

Tinanong na rin namin siya ng kanyang birthday wish at ang mga mangyayari ngayong gabi sa Wowowin.

"Hindi ko pa alam," sagot ni Willie, dahil ngayong umaga pa lang ang meeting nila ng kanyang staff.

Isang insider ang nagpaabot sa Cabinet Files ng balita na dumalaw si Kris Aquino sa Wowowin studio kagabi, January 26, kasama ang kanyang anak na si Bimby, para personal na batiin si Willie ng maligayang kaarawan.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang staff member ng Wowowin na si Erick Santiago ang nag-upload sa Facebook ng mga litrato ng pagkikita nina Kris at Willie, pati na ang video ng Wowowin studio tour ngTV host-actress.

Walang nakakaalam sa mga mangyayari sa live broadcast ng Wowowin ngayong gabi.

Bukod sa walang studio audience, punumpuno ng relief goods—tulad ng mga sako-sakong bigas na ipapamahagi ni Willie sa mga kababayan nating biktima ng pagsabog ng Taal Volcano—ang studio ng kanyang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dumalaw si Kris Aquino sa Wowowin studio kagabi, January 26, kasama ang kanyang anak na si Bimby, para personal na batiin si Willie Revillame ng maligayang kaarawan.
PHOTO/S: Courtesy of Erick Santiago
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results