Marami na ang nagpahayag ng interes na sumali sa Miss Universe Philippines, na pipili ng kandidatang ipadadala ng Pilipinas sa Miss Universe 2020.
Isa sa mga desididong sumali sa Miss Universe Philippines 2020 ay ang 23-year-old ballerina at fashion model na si Ysabella “Bella” Roxas-Ysmael.
Apo siya ng veteran actress na si Marita Zobel.
Graduate si Bella ng Bachelor of Arts degree in Psychology sa De La Salle University, Manila.
“I have been a ballerina all my life. I started dancing at age 4.
“I stand for Mental Health Awareness and breaking the stigma against it, as well as women’s rights and equal rights for all,” pahayag ni Bella, na sigurado na sa kanyang desisyong sumali sa Miss Universe Philippines.
Extended hanggang sa January 31, 2020 ang pagtanggap ng Miss Universe Philippines Organization sa mga kababaihang interesadong sumali sa Miss Universe Philippines 2020.
May usap-usapan na magaganap ang coronation night ng Miss Universe Philippines sa May 2020.
Pero hindi ito kinumpirma ni Shamcey Supsup-Lee, pati na ang venue, nang makausap siya ng Cabinet Files.
Si Shamcey ang national director ng Miss Universe Philippines Organization.
Ayon sa kanya, malalaman ang lahat ng mga detalye tungkol sa beauty pageant sa press conference na ipatatawag nila sa linggong ito.
Nang tanungin kung puwedeng sumali sa Miss Universe Philippines ang transgender women, sinabi ni Shamcey na maaaring lumahok ang transgender women kung papayagan silang palitan ang kanilang kasarian sa mga legal document na imposibleng mangyari sa ating bansa.