Cristine Reyes, proud single parent; deadma sa Valentine’s Day

by Jojo Gabinete
Jan 30, 2020
Cristine Reyes says she is so focused on taking good care of her daughter Amarah that she doesn't even think about having a new romantic relationship for now: “Parang ano, mas magandang antayin mo na lang na dumating yung tao na yon kesa yung sabihin mo na ‘I’m open,’ di ba? Darating yon.”
PHOTO/S: @cristinereyes on Instagram

“Hindi na natin kailangan na i-announce yon, at nakikita ninyo naman po, di ba?”

Ito ang hindi untrue na sagot ni Cristine Reyes nang tanungin siya ng entertainment writers, sa presscon ng pelikulang Untrue, tungkol sa pagiging single parent niya.

Hindi na nasundan pa ang tanong dahil sapat na ang sinabi ni Cristine para makumpirma ang matagal nang balitang hiwalay na nga sila ng asawang si Ali Khatibi.

Sa ngayon, ibinubuhos ng aktres ang lahat ng panahon at atensiyon sa anak na si Amarah.

Continue reading below ↓

Makukumpirma naman ito sa madalas na pagpo-post ni Cristine sa Instagram ng mga travels at iba pang bonding activities nila ng kanyang anak.

NO VALENTINE'S DATE

Nang tanungin tungkol sa muling pagtanggap niya ng mga manliligaw, o pagkakaroon ng bagong karelasyon, sinabi ni Cristine na mas mabuting hintayin na lang niya ang taong laan talaga sa kanya.

Continue reading below ↓

Sagot niya, “Parang ano, mas magandang antayin mo na lang na dumating yung tao na yon kesa yung sabihin mo na ‘I’m open,’ di ba? Darating yon.”

Hindi na rin daw iniisip ng aktres ang paparating na Valentine’s Day sa February 14.

Mas pinahahalagahan daw niya ngayon ang kanyang career at trabaho.

Sa tanong ng Cabinet Files kung kailan siya hindi nagpakatotoo sa sarili, sinabi ni Cristine na hindi siya kailanman naging untrue.

“Parang all my life, I’ve been always true,” sagot ni Cristine.

Ang Untrue ang post-birthday presentation ni Cristine, na magdiriwang ng kanyang 31st birthday sa February 5.

Sa February 19 ang playdate ng Untrue sa cinemas nationwide.

Ito ang unang movie team-up nina Cristine at Xian Lim.

SCARED OF CORONAVIRUS

Walang plano si Cristine na magkaroon ng malaking birthday celebration sa February 5.

Ayaw na raw niyang maglalabas ng bahay, lalo na ngayong may novel coronavirus (nCoV) scare sa buong mundo.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, kinumpirma ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes, January 30, ang unang kaso ng nCoV sa Pilipinas.

Ang pasyente ay isang 38-anyos na babaeng Chinese na nagmula sa Wuhan—kung saan unang natukoy ang nCoV.

Samantala, ang Untrue ang closing film sa Quezon City International Film Festival noong October 21, 2019.

Mabilis na nakarating kina Cristine at Xian ang mga positive comment ng mga nakapanood ng Untrue.

Pinupuri ang kanilang mahusay na pagganap sa pelikula, na mula sa panulat at direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

Dahil sa fine performances nina Cristine at Xian, marami ang kumbinsido na malaki ang tyansa ng dalawa na ma-nominate at manalo ng acting awards.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes says she is so focused on taking good care of her daughter Amarah that she doesn't even think about having a new romantic relationship for now: “Parang ano, mas magandang antayin mo na lang na dumating yung tao na yon kesa yung sabihin mo na ‘I’m open,’ di ba? Darating yon.”
PHOTO/S: @cristinereyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results