Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Basti Artadi, pinukpok noon ng mic ni Cooky Chua

by Jojo Gabinete
Jan 31, 2020
Reunited sa "'90s Frontmen, Acousticized" concert stage ang mga vocalists ng ilan sa mga pinakasikat na OPM bands noong '90s: (mula sa kaliwa) Dong Abay, Jett Pangan, Basti Artadi, at Wency Cornejo.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Isa sa mga hindi makakalimutang eksena noong dekada ’80 ang pamumukpok ni Divina Valencia ng microphone sa ulo ng talent manager na si Rey Dela Cruz.

Napanood ito sa live telecast ng showbiz talk show na Rumors, Facts & Humor.

Pinukpok ni Divina ng microphone ang ngayon ay pumanaw nang talent manager matapos ang ganitong pag-uusap:

Sabi ni Divina: “Rey, huwag kang magagalit sa akin, pero ako bilang artista, ayokong matawag yung mga alaga mong 'artista'.

Sagot ni Rey: “Ikaw, artista ka ba?”

Ang Rumors, Facts & Humor ang 1987 showbiz talk show nina Chanda Romero, Janice Jurado, at ng yumaong entertainment writer na si Alfie Lorenzo.

Ang naturang insidente ang isa sa mga dahilan kaya naghigpit ang samahan ng mga advertisers sa mga showbiz talk show.

BASTI AND COOKY

Nabanggit ito dahil may ganitong similar experience ang former Wolfgang vocalist na si Basti Artadi.

Minsan na siyang pinukpok ng microphone ni Cooky Chua.

Continue reading below ↓

Si Cooky ang singer ng '90s OPM band din na Color It Red.

Napag-usapan ang karanasan ni Basti sa presscon ng ‘90’s Frontmen, Acousticized, ang concert nila nina Jett Pangan, Dong Abay, at Wency Cornejo.

Magaganap ang concert ngayong Biyernes ng gabi, January 31, at bukas, February 1, sa Music Museum.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Si Wency ang co-producer ng Frontmen, at siya ang nagsabi na may malaking takot si Basti kay Cooky.

Kasama raw dapat sa concert si Cooky, pero hindi umubra ang schedule nito, na sumabay sa Japan vacation ng pamilya ng singer.

Sa kabila nito, todo-promote si Cooky sa Instagram para sa Frontmen.

Continue reading below ↓

Ipinaubaya ni Wency kay Basti ang pagkukuwento.

Simula ni Basti, “Jett produced a show, a long time ago, Back to Bacharach, which was, coincidentally, also at the Music Museum.

“It was great fun. We were all there and doing Bacharach, our interpretation of Bacharach songs.

“It wasn’t really my forte at that time, I was giving it a try, and I was having fun.

“I had a duet with Cooky, and we were onstage and singing together. We’re doing this ballad, I cannot remember.

“We’re doing a Bacharach, she’s beside me, and I hit a wrong note.

“I kinda missed the note, she takes her mic, and she looked at me, pok!" ani Basti, na ginaya ang tunog ng pamumukpok ni Cooky.

“But she’s being playful, I didn’t get mad at her after.

“Ever since then, I’ve been teasing her.

“I call her ang babaeng nagpupukpok ng mic.”

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reunited sa "'90s Frontmen, Acousticized" concert stage ang mga vocalists ng ilan sa mga pinakasikat na OPM bands noong '90s: (mula sa kaliwa) Dong Abay, Jett Pangan, Basti Artadi, at Wency Cornejo.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results