Manny Pacquiao, inakalang fake news ang pagpanaw ni Kobe Bryant

by Jojo Gabinete
Feb 3, 2020
Manny Pacquiao on Kobe Bryant's death: "Kasi may pinagsamahan kami ni Kobe at magkaibigan kami. Kasing-edad ko lang yun, e, 41 years old. So, talagang hanggang ngayon, ano pa... nalulungkot ako."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Manny Pacquiao Instagram

Apektado si Senator Manny Pacquiao sa pagkamatay ni Kobe Bryant.

Bakas pa rin sa boses niya ang lungkot na nararamdaman nang mapag-usapan ang American basketball icon nang ilunsad ang Pinoy boxing legend bilang celebrity endorser ng IAM Worldwide sa Makati Shangri-La Hotel kagabi, February 2.

Ikinuwento ni Pacquiao na "fake news" ang kanyang unang akala nang malaman ang balitang nasawi si Kobe dahil bumagsak ang helicopter na sinasakyan nito at ng walong kasama sa Calabasas, California, noong January 26, 2020.

"Nabigla ang lahat… Ako, akala ko fake news, e, nung pag-open 'ko ng cellphone ko.

"Yun pala, totoo.

"Kasi may pinagsamahan kami ni Kobe at magkaibigan kami.

"Kasing-edad ko lang yun, e, 41 years old.

"So, talagang hanggang ngayon, ano pa... nalulungkot ako," pahayag ni Pacquiao.

Binalikan ng athlete-politician ang memorable moments nila ni Kobe noong nabubuhay pa ito.

"Dito sa Pilipinas, sa pagpunta rin niya, lumabas kami.

"And then, sa Amerika, lagi niya akong pinapanood sa training ko sa Wildcard.

Continue reading below ↓

"Yung mga moment na yun, maaalaala mo, nakaka-miss.

"Marami kaming pinag-usapan, kung paano siya naging passionate maging basketball player, sumikat.

"Paano siya nagpursige, kung paano siya nagsumikap sa sarili niya.

"At pinag-usapan namin yung pagtulong. Yung charity, pinag-usapan namin ‘yan.

"Yun ang mga maalaaala ko, saka yung pinag-usapan namin kung paano disiplinahin ang sarili namin. Kung paano maabot yung tugatog ng tagumpay.

"Lately, naging busy siya, naging busy rin ako, hindi kami nagkausap.

"Siguro kung nagkausap kami, ma-share-an ko siya ng word of God," kuwento ni Pacquiao tungkol sa friendship nila ni Kobe.

PACQUIAO ON CORONAVIRUS

Ang coronavirus plague ang pinakamalaking balita ngayon sa buong mundo, kaya nagbigay rin si Pacquiao ng pahayag sa karamdamang naghahatid sa lahat ng takot.

Saad niya, "Yung mga kababayan natin doon [sa China], ipagdasal natin, at mag-ingat kayong lahat diyan, lalong-lalo na sa China, marami tayong mga kababayan.

"Kung pupunta kayo dito, kontakin niyo lang kami, tutulungan namin kayo para sa mga gustong umuwi or manghingi ng tulong sa amin dito, nandito lang kami."

Continue reading below ↓

Personal na nakita ni Pacquiao kagabi ang mga pag-iingat na ginagawa ng lahat para hindi lumaganap ang coronavirus sa ating bansa.

Ang Makati Shangri-La ang venue ng IAM Worldwide event.

Para makatiyak na ligtas ang lahat, may mga nurse sa dalawang entrance ng tumitingin sa body temperature ng lahat ng pumapasok na bisita.

Isinara rin ang side entrance ng hotel para makasigurong magdaraan sa main entrance at matitingnan ng mga nurse ang body temperature ng bawat hotel guest.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manny Pacquiao on Kobe Bryant's death: "Kasi may pinagsamahan kami ni Kobe at magkaibigan kami. Kasing-edad ko lang yun, e, 41 years old. So, talagang hanggang ngayon, ano pa... nalulungkot ako."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Manny Pacquiao Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results