PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JC Santos, excited na sa pagsilang ng kanyang anak

JC Santos, naniniwalang di makakaapekto sa kanyang career ang pagiging ama niya.
by Jojo Gabinete
Published Feb 4, 2020
Naniniwala si JC Santos na hindi makakaapekto sa acting career niya ang bagong kabanata sa kanyang buhay dahil aktor siya at hindi bahagi ng isang love team.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nag-trending ang pangalan ni JC Santos nang aminin niya sa January 16 presscon ng On Vodka, Beers and Regrets na kasal na sila ng kanyang girlfriend at buntis na ito sa magiging panganay nila.

Nakatakdang magsilang ngayong February ang asawa ni JC, kaya ito ang itinanong sa aktor sa premiere ng pelikula nila ni Bela Padilla na naganap sa Ortigas Cinema ng Estancia Mall kagabi, February 2.

Itinuturing ni JC na isang blessing ang pagbubuntis ng asawa niya dahil sunud-sunod ang mga project na dumating sa kanya.

"Actually, nung malaman ko na nandiyan na siya, sunud-sunod na talaga yung projects ko.

"So, isa siyang blessing sa akin. Dumami ang projects ko," sabi ni JC.

Hindi na makapaghintay sa nalalapit na paglabas ng kanyang panganay.

"Excited ako, kinakabahan lalo na ngayon, in two weeks na lang—nasa 37th week na kami. Anytime soon na.

"Kinakabahan ako na baka may shooting ako.

"Sinabihan ko naman sa work, sabi ko, 'Heads up lang ako, baka kung manganak yung asawa ko, aalis muna ako, 'tapos babalik na lang ako.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naintindihan naman nila."

Hindi aware si JC na nag-trending at positive ang lahat ng mga komento sa kanyang rebelasyon tungkol sa pagkakaroon niya ng asawa at nalalapit na pagiging ama.

Wala kasi siyang Facebook account.

Naniniwala si JC na hindi makakaapekto sa acting career niya ang bagong kabanata sa kanyang buhay dahil aktor siya at hindi bahagi ng isang love team.

"Alam naman ng tao, hindi naman ako nasa love team, hindi ko naman ipinagkakalat na single ako, hindi ko naman ipinagkakalat na may girlfriend ako or something.

"Alam ng tao, si JC, aktor.

"Hindi ako nagbabasa ng comments. Wala akong Facebook.

"Maraming salamat, ako rin, positive sa akin na magiging daddy na ako.

"On a cloud ako ngayon, nandoon ako sa focus ako kung ano yung in the moment.

"Nagbabantay ako ng asawa kasi nga buntis.

"Doon muna ako ngayon, so I’m enjoying it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naniniwala si JC Santos na hindi makakaapekto sa acting career niya ang bagong kabanata sa kanyang buhay dahil aktor siya at hindi bahagi ng isang love team.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results