Healing priest Fr. Fernando Suarez, pumanaw na

by Jojo Gabinete
Feb 4, 2020
Pumanaw na sa edad na 52 ang healing priest na si Fr. Fernando Suarez ngayong Martes ng hapon, February 4.
PHOTO/S: YouTube / Facebook

Massive heart attack ang ikinamatay ng Roman Catholic healing priest na si Fr. Fernando Suarez ngayong Martes ng hapon, February 4.

Dead on arrival ang 52-year-old healing priest nang dalhin siya sa Asian Medical Center matapos mag-collapse habang naglalaro ng tennis sa Alabang Country Club, Muntinlupa City.

Isinilang si Fr. Suarez sa Taal, Batangas.

Nag-aral siya sa Adamson University bago pumasok sa Franciscan Order.

May planong isalin sa pelikula ang makulay at kontrobersiyal na life story ni Fr. Suarez na may working title na I, Father Fernando Suarez.

Pero dahil sa kanyang pagkamatay, walang katiyakan kung matutuloy pa ang proyekto.

Nakilala si Fr. Suarez dahil napapagaling niya ang mga may sakit at kapansanan.

Pero noong October 2019, pinagbawalan siyang magdaos ng healing mass sa diocese ng Malaybalay, Bukidnon.

Ayon sa report ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, walang sapat na permiso si Suarez na magdaos ng healing mass.

Nasangkot din si Fr. Suarez sa kaso ng sexual abuse of minors, pero pinawalang-sala siya ng Vatican.

Continue reading below ↓

"He has been falsely accused of these crime, and therefore, nothing now stands in the way for him to exercise his healing ministry, provided it is done properly in coordination with the ecclesiastical authority of every ecclesiastical jurisdiction," bahagi ng Decree of Notification na inilabas ng National Tribunal of Appeals ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong January 6, 2020.

Noong November 2019, isang healing mass ang idinaos ni Suarez para sa Barretto matriarch na si Inday at sa mga anak nitong sina Gretchen at Claudine.

Huling nakita ng Cabinet Files si Fr. Suarez na nananghalian sa Sonya’s Garden sa Alfonso, Cavite noong January 20, 2020.

Kasama ni Fr. Suarez ang mga kaibigan niya, at hindi mababakas sa kanyang hitsurang may problema siya sa kalusugan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw na sa edad na 52 ang healing priest na si Fr. Fernando Suarez ngayong Martes ng hapon, February 4.
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results