Edu Manzano, gaganap bilang former PNP deputy chief Benjamin Magalong sa Mamasapano movie

by Jojo Gabinete
Feb 5, 2020
Gagampanan ni Edu Manzano (kaliwa) ang karakter ni former Philippine National Police Deputy Chief of Operations Benjamin Magalong (kanan) sa pelikula tungkol sa Mamasapano massacre na nangyari noong January 25, 2015.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

"For the love of our country."

Ito ang sagot ni Edu Manzano sa kanyang desisyong tanggapin ang alok na gampanan ang karakter ni former Philippine National Police Deputy Chief of Operations Benjamin Magalong sa pelikula tungkol sa Mamasapano massacre na nangyari noong January 25, 2015.

Apatnapu’t apat na pulis ang nagbuwis ng buhay sa Mamasapano Massacre dahil sa law enforcement operation laban sa terorista na si Zulkifli Abdhir alias Marwan.

Retirado na si Magalong sa serbisyo, at sa kasalukuyan ay siya ang mayor ng Baguio City.

Malaki ang partisipasyon ng dating heneral sa imbestigasyon sa mga tunay na nangyari sa Mamasapano Massacre dahil siya ang naatasang mamuno sa Board of Inquiry.

Isang buwan lamang ang ibinigay noon kay Magalong na palugit para makumpleto ang imbestigasyon.

Naging kontrobersyal ito dahil sa report na inilabas ng Board of Inquiry na may pananagutan si former President Noynoy Aquino at ang mga dating heneral na sina Alan Purisima at Getulio Napenas sa pagkamatay ng mga pulis.

Continue reading below ↓

Ngayong Miyerkules ng hapon, February 5, personal na nagtagpo sina Edu at Mayor Magalong sa opisina ni Atty. Ferdinand Topacio.

Ang Borracho Film Production ni Atty. Topacio ang producer ng pelikula na planong isali sa 46th Metro Manila Film Festival sa December 2020.

Pahayag ni Edu tungkol kay Magalong, "He’s a person larger than life.

"He served with dignity and integrity while he was in the PNP.

"And pagkatapos niyan, he served also as witness in the senate hearing, umiral pa rin yung kanyang dedication sa service and to the ideals of the military.

"Of course, siya ay aking mistah.

"And I already portrayed the role of another one of our mistah, si Lito Madarang, in the past.

"Considering na active din ako noon sa serbisyo, may certain closeness ako pagdating sa mga military."

Sa pamamagitan ng movie version ng Mamasapano massacre, umaasa si Edu na lilitaw ang katotohanan para magkaroon na ng closure ang pangyayaring naghatid ng matinding kalungkutan sa bansa noong 2015, at para hindi mabalewala ang mga sakripisyo ng mga pulis na nasawi sa Mamasapano incident.

Continue reading below ↓

"All of us who served in the military, one time or another, we will be called to active service in a possible conflict area.

"So, in a way, dahil nasa military kayo, handa rin kayo na isakripisyo yung buhay ninyo, and let’s not make it a useless sacrifice.

"So let’s try to be as truthful to the story as possible, so that the family can find closure and that the people may know the true story."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gagampanan ni Edu Manzano (kaliwa) ang karakter ni former Philippine National Police Deputy Chief of Operations Benjamin Magalong (kanan) sa pelikula tungkol sa Mamasapano massacre na nangyari noong January 25, 2015.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results