Super Tekla, sobrang thankful sa showbiz blessings; love ang kotseng naipundar

by Jojo Gabinete
Feb 8, 2020
Super Tekla remains humble and thankful amid his many blessings as one of the Kapuso network's prime comedians.

“Asawa” ang trato ng comedian na si Super Tekla sa brand new car na naipundar niya dahil silang dalawa ang araw-araw na magkasama.

Natatawang ikinuwento ng isang malapit kay Tekla na hindi ito umaalis ng bahay na hindi dala ang kanyang sasakyan, kahit malapit na malapit lang na lugar ang pupuntahan niya.

“Nakakapagpundar na si Tekla, kahit papaano.

“Nakabili na nga siya ng kotse na alagang-alaga niya.

"Parang yun ang asawa niya dahil sila ang araw-araw na magkasama," sabi ng confidante ni Tekla, na saksi sa lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan ng komedyante bago ito nakaranas ng maayos na pamumuhay.

Maraming ipinagpapasalamat sa Diyos si Tekla dahil dalawa na ang regular shows niya sa GMA-7—ang The Boobay and Tekla Show at ang All-Out Sundays.

Maligayang-maligaya si Tekla sa mataas na ratings ng comedy talk show nila ni Boobay, at masaya siya dahil nadagdagan ang mga kaibigan mula nang maging mainstay siya ng All-Out Sundays, ang Sunday noontime musical variety show ng Kapuso Network.

Continue reading below ↓

“Happy si Tekla sa All-Out Sundays. Nag-e-enjoy siya sa "Tapsikret" segment ng show.

“Sobrang kulitan kaya nagpapasalamat siya sa kanyang mga kasamahan, like Paolo Contis,” dagdag na kuwento ng taong malapit kay Tekla.

Ipinagpapasalamat din ni Tekla na kasama siya sa The Sweetheart and The Balladeer (Fun Night Only), ang concert series nina Christian Bautista at Julie Anne San Jose.

Dahil sa concert series ng GMA Entertainment Group, GMA Pinoy TV, at GMA Regional TV, narating ni Tekla ang mga probinsiyang hindi pa niya napupuntahan.

Matapos magtanghal sa Cagayan de Oro City, mapapanood ngayong gabi ang The Sweetheart and The Balladeer (Fun Night Only) sa Urdaneta Cultural & Sports Center, Urdaneta City, Pangasinan.

Bukod kay Tekla, featured performers sina Donita Nose at Kyline Alcantara sa pre-Valentine concert nina Julie Anne at Christian sa Urdaneta City.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super Tekla remains humble and thankful amid his many blessings as one of the Kapuso network's prime comedians.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results