PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia, bida sa comeback movie ni Direk Chito Roño

Joshua Garcia, minsan nang nakatapak sa bakuran ng GMA-7.
by Jojo Gabinete
Published Feb 10, 2020
Joshua Garcia on working with multi-awarded director Chito Roño for the first time: "Actually, may narinig akong magagalitin daw, pero depende naman siguro yun sa katrabaho. Kung matino naman yung katrabaho, bakit siya sisigaw?"
PHOTO/S: Regal Entertainment Instagram

Iika-ika ang paglalakad ni Joshua Garcia at medyo namamaga ang kanyang kaliwang mata nang dumalo siya sa story conference ng pelikulang Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan.

Ginanap ang storycon nitong Lunes ng umaga, February 10, sa Regal Entertainment Inc. office sa Valencia Street, Quezon City.

Hirap maglakad si Joshua dahil napuwersa ito sa kanyang training kahapon para sa isang pelikula, at namamaga ang mata niya na kinagat ng ipis habang natutulog siya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita ni Joshua Garcia ang namamaga niyang mata pagkatapos daw makagat ng ipis

Si Chito Roño ang direktor ng Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan.

Si Joshua ang personal choice ni Direk Chito na magbida sa pelikula dahil bumilib siya sa acting ability ng young actor nang mapanood niya ang 2017 romantic comedy movie na Love You to the Stars and Back.

Comeback movie ni Chito ang Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan dahil isang taon siyang nagpahinga sa paggawa ng pelikula.

"Talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Joshua nang malaman nitong bilib sa acting talent niya ang multi-awarded director.

First-time makakatrabaho ni Joshua si Direk Chito kaya may nararamdaman siyang excitement.

Sabi ng Kapamilya actor, "Basta excited ako na makatrabaho siya. Ako naman, may tiwala ako kay Direk.

"Actually, may narinig akong magagalitin daw, pero depende naman siguro yun sa katrabaho.

"Kung matino naman yung katrabaho, bakit siya sisigaw?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gagampanan ni Joshua ang karakter ni Galo Manansala sa pelikula na base sa librong isinulat ni Bob Ong.

Joint venture ito ng Regal Entertainment Inc. at Star Cinema.

Isa lamang ang Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan sa tatlong pelikulang gagawin ni Joshua ngayong 2020, kaya masaya ito sa magagandang pangyayari sa kanyang acting career dahil tumatagal siya sa industriya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya, "Hindi ako nawawalan ng ipapakain sa pamilya ko, di ba?

"'Tapos, ang sarap kasing gumawa pa ng mas maraming project, kasi parang dun na rin ako nagma-mature, may mga nakikilala ako, may mga nagiging kaibigan ako.”

JOSHUA VISITS GMA NETWORK

May isang anecdote na ibinahagi si Joshua noong bata pa siya at wala sa pangarap niyang maging artista—ang araw na nanood siya ng Party Pilipinas sa studio ng GMA-7.

"Noong bandang high school na parang patamad-tamad ako dati sa school, yun ang time na parang sinabi sa akin ng tita ko na, ‘Bakit hindi ka na lang mag-artista, hindi ka naman pumapasok?’

"Sabi ko, ayoko.

"E, kasi one time, sa GMA-7, nanood ako ng Party Pilipinas sa studio.

"Isinama lang ako ng kaibigan ko, so sumama ako, libre pamasahe daw, ganyan.

“Pumila ako, may nag-alok sa akin doon.

"Sabi niya, ‘Tatawagan kita. Ito ang calling card ko.’

"'Tapos, nung tinawagan niya ako, pumunta daw ako doon. Kapag pumunta daw ako doon, iiyak lang daw ako sa may table.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, kung normal kang tao, paano ka iiyak nang ganoon, di ba?

"Mabilisan lang, so natakot ako,” nakangiting kuwento ni Joshua tungkol sa unang beses na pagtapak nito sa bakuran ng Kapuso Network.

Pero hindi na niya natatandaan ang pangalan ng talent scout na lumapit sa kanya nang manood siya ng Party Pilipinas.

Postscript: Plano ni Direk Chito na umpisahan ang shooting ng Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan sa linggong ito.

Si Joshua ang lead actor, at supporting cast sina Melissa Mendez, Ricardo Cepeda, Kelvin Miranda, Menggie Cobarrubias, at Angie Ferro na gagampanan ang karakter ni Mama Susan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia on working with multi-awarded director Chito Roño for the first time: "Actually, may narinig akong magagalitin daw, pero depende naman siguro yun sa katrabaho. Kung matino naman yung katrabaho, bakit siya sisigaw?"
PHOTO/S: Regal Entertainment Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results