PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juancho Trivino at Joyce Pring, may song-and-dance number sa wedding reception

Juancho Trivino, napaiyak sa kasal nila ni Joyce Pring.
by Jojo Gabinete
Published Feb 10, 2020
Unang Hirit hosts Juancho Trivino and Joyce Pring tie the knot in Sofitel Manila, Sunday, February 9.
PHOTO/S: Courtesy of @chestknots / Joyce Pring Instagram

Tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes ang taping ni Juancho Trivino para sa Madrasta, ang afternoon drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan nila nina Arra San Agustin at Thea Tolentino.

Pero dahil sa Sofitel Manila bayside wedding nila ni Joyce Pring kahapon, February 9, naging considerate ang kanyang home studio para makapagpahinga ang aktor.

Sa Miyerkules, February 12, ang resume ng Madrasta taping ni Juancho.

Hindi napigil ni Juancho ang pagpatak ng luha nang mag-umpisa ang wedding march ni Joyce.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Normal nang scenario sa mga kasalan ang pag-iyak ng groom, kaya bago naganap ang pag-iisang dibdib nila ni Joyce, itinanong namin kay Juancho kung maipapangako ba niyang hindi siya iiyak.

Sagot niya, "Hindi ko po alam. Hindi ko pa siya iniisip sa ngayon.

"Sa sobrang dami ng mga pinagdaanan namin as individuals, sa work, sa personal life, 'tapos magsisimula kami ng bagong chapter together, nakaka-touch naman."

Nasaksihan ng lahat ng invited guests ang tears of joy na pinakawalan ni Juancho kahapon.

Naghanda rin ang aktor ng dance at song number para sa kanyang asawa.

In return, nag-alay rin si Joyce ng kanta para kay Juancho sa wedding reception na dinaluhan ng kanilang pamilya, malalapit na kaibigan, at kasamahan sa Madrasta at Unang Hirit.

Video: Courtesy of Gladys Reyes

Kabilang si Gladys Reyes sa mga invited guest.

Hindi ninang si Gladys, pero kasama niya sa VIP table ang principal sponsors sa Trivino-Pring nuptials.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagmagandang-loob si Gladys na ibahagi sa PEP.ph ang mga litrato at video na personal na kuha niya sa naganap na pag-iisang dibdib nina Juancho at Joyce.


Naging close sina Gladys at Juancho sa set ng Madrasta, na malapit nang magwakas.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang TV reboot ng 1989 movie na Bilangin Ang Bituin sa Langit, na mapapanood sa GMA 7 simula sa February 24, ang ipapalit sa timeslot ng Madrasta.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unang Hirit hosts Juancho Trivino and Joyce Pring tie the knot in Sofitel Manila, Sunday, February 9.
PHOTO/S: Courtesy of @chestknots / Joyce Pring Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results