PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Christopher de Leon, ipinagmamalaking naidirek ng apat na National Artists

Christopher de Leon, naidirek ng National Artists na sina Gerry de Leon, Eddie Romero, Lino Brocka, at Ishmael Bernal.
by Jojo Gabinete
Published Feb 12, 2020
Christopher de Leon on his legacy as an actor: "My biggest achievements, the work that I have done, the classic movies I made is still being restored, remastered, and it’s still being shown."
PHOTO/S: Allan Sancon

Isa sa pagbabagong nagaganap ngayong 2020 ay ang afternoon drama series na tinatampukan ng big stars, na dating napapanood sa primetime programs ng TV networks.

Sa kauna-unahang pagkakataon, panghapon ang drama series na pagbibidahan ng superstar na si Nora Aunor, ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit ng GMA-7.

On the other hand, panghapon din ang Love Thy Woman, ang teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Christopher de Leon, ex-husband ni Nora.

Parang shooting ng pelikula ang description ni Christopher sa taping niya sa Love Thy Woman.

Ito ay dahil sa mga equipment na ginagamit ng ABS-CBN, kaya maikukumpara sa isang pelikula ang kalidad ng kanilang drama series.

Forty-six years old na ang acting career ni Christopher, na nagpapasalamat dahil nabibigyan pa rin siya ng mga magagandang proyekto at challenging roles.

Hindi na siguro mapapantayan ng ibang mga aktor ang accomplishments ni Christopher.

Naabutan nito ang Golden Years ng Philippine cinema, nakagawa ng maraming pelikula, nanalo ng acting awards at, higit sa lahat, nakatrabaho niya ang mga pinakamahuhusay at legendary directors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga ito ang itinuturing ni Christopher na biggest achievements niya.

"My biggest achievements, the work that I have done, the classic movies I made is still being restored, remastered, and it’s still being shown.

"Fortunately, yung movies ko, ako yata ang may pinakamarami na na-restore na pelikula.

"Sa mga direktor naman, nakatrabaho ko sina Eddie Romero, Lino Brocka, Ishmael Bernal, Celso Ad Castillo, Gerry de Leon.

"Wala lang akong Lamberto Avellana, sana magkakatrabaho kami, kaso namatay na siya noong mag-uumpisa na kami," sabi ni Christopher.

Masuwerte ang award-winning actor dahil apat sa National Artists ng Pilipinas ang naging direktor niya sa pelikula.

Si De Leon sa pelikulang Banaue (1975); si Romero sa mga pelikulang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? (1976) at Agila (1980); si Brocka sa mga pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), Cain At Abel (1982), at Gumapang Ka Sa Lusak (1990); at si Bernal sa mga pelikulang Tisoy! (1977), Ikaw Ay Akin (1978), Relasyon (1982), at Broken Marriage (1983).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Christopher ang kinikilalang Drama King ng Philippine Movies dahil sa kanyang husay sa pag-arte.

Isa ito sa mga dahilan kaya kinuha siya ni Rhea Tan para maging celebrity ambassador ng men’s line ng Beautederm.


Naganap ang contract signing ni Christopher bilang celebrity ambassador ng Beautederm Men sa isang Quezon City restaurant kahapon, February 11, at dito siya nakapanayam ng Cabinet Files.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay Rhea Tan, malaking karangalang pinagkatiwalaan ni Christopher ang kanyang beauty company.

Hindi makapaniwala si Rhea na nakaharap niya nang personal ang isa sa mga aktor na kanyang hinahangaan at iginagalang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christopher de Leon on his legacy as an actor: "My biggest achievements, the work that I have done, the classic movies I made is still being restored, remastered, and it’s still being shown."
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results