Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bidaman finalist Miko Gallardo, may follow-up movie na pagkatapos ng Us Again

by Jojo Gabinete
Feb 12, 2020
Introducing sa Us Again ng Regal Entertainment, Inc. ang It’s Showtime Bidaman grand finalist na si Miko Gallardo.
PHOTO/S: Mike Gallardo Instagram

Introducing sa Us Again ng Regal Entertainment, Inc. ang It’s Showtime Bidaman grand finalist na si Miko Gallardo.

Ang Jane Oineza-RK Bagatsing ang unang pelikula ng 21-year-old newbie actor.

Nagpapasalamat si Miko sa tiwala at malaking oportunidad na ibinigay sa kanya nina Mother Lily Monteverde at ng anak nitong si Roselle, ang producers ng Regal.

Doble ang sayang nararamdaman ni Miko dahil kahit hindi pa naipalalabas sa mga sinehan ang Us Again, may second movie project na siya sa Regal.

Ito ay ang Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan, ang suspense-thriller movie na pagbibidahan ni Joshua Garcia at mula sa direksiyon ng award-winning filmmaker na si Chito Roño.

Para sa baguhang kagaya ni Miko, karangalang makatrabaho niya si Joshua at si Chito, na isa sa mga nirerespetong direktor sa Philippine cinema.

Bukod sa natupad na pangarap na makagawa ng mga pelikula, dream come true kay Miko na maging bida sa trending commercial niya para sa isang popular fastfood chain.

Continue reading below ↓

Si Miko ang lead actor sa Kwentong Jollibee Valentine Series 2020 na may pamagat na "#CoupleGoals," at meron nang 18 million views.

Malaking exposure para kay Miko ang Valentine series dahil nadagdagan ang bilang ng mga humahanga sa kanya mula nang sumali siya sa "Bidaman" ng It’s Showtime.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Introducing sa Us Again ng Regal Entertainment, Inc. ang It’s Showtime Bidaman grand finalist na si Miko Gallardo.
PHOTO/S: Mike Gallardo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results