PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pagsusuot ng GMA News anchors ng kulay ng ABS-CBN logo, nagkataon lang

Rep. Antonio Albano, nagbago ang pahayag tungkol sa ABS-CBN franchise.
by Jojo Gabinete
Published Feb 12, 2020
"Nagkataon lang" ang sagot ng isang GMA News insider sa isyu na kakulay ng logo ng ABS-CBN ang mga damit na suot nina (mula kaliwa) Pia Arcangel, Vicky Morales, at Atom Araullo sa live broadcast ng 24 Oras kagabi, February 11.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras

"Nagkataon lang" ang sagot ng isang GMA News insider sa isyung kakulay ng logo ng ABS-CBN ang suot ng anchors na sina Vicky Morales, Pia Arcangel, at Atom Araullo sa live broadcast ng 24 Oras kagabi, February 11.

Ang 24 Oras ang primetime news program ng GMA-7, at ang pagsuot ng ABS-CBN logo colors ay tinatayang show of solidarity ng Kapuso sa Kapamilya.

Ipinaliwanag naman ng Cabinet Files source na nabigyan lang ng ibang pakahulugan ang kulay ng mga damit na ipinasuot ng mga stylist sa tatlong news anchors ng Kapuso Network.

Napagkamalan lamang umano na pagpapakita ng media solidarity at pakikisimpatiya ang kasuotan nina Atom, Vicky, at Pia dahil sa nagbabagang isyu tungkol sa franchise renewal issue ng ABS-CBN.

ALBANO ON ABS-CBN PRESSURE

Samantala, binawi ni Isabela 1st District Representative Antonio Albano, vice chairman ng Legislative Franchises, ang naunang pahayag nito sa DZBB.

Sinabi nitong nakakaramdam sila ng pressure mula kay President Rodrigo Duterte at mula sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Albano sa panayam niya sa Dobol B sa News TV kaninang umaga, February 12: "Sa ABS-CBN, we are being applied pressure from all sides by no less than the President. Inaamin po namin ‘yan.

"Malaking pressure po ‘yan dahil Presidente ng Republika ng Pilipinas.

"Pabayaan niyo naman sana kami because we’re not only being pressured by the President, but even ABS-CBN has been running stories.

"For example, nag-e-air sila na this is reminiscent of the martial law years.

"It’s unfair naman siguro, ‘no? Because this is a legitimate process.

"Hindi naman kagaya ng martial law ito na biglang ititigil ang ABS-CBN."

Pero ibang-iba na ang sinasabi ni Albano sa panayam sa kanya ng 24 Oras ngayong gabi, February 12.

Aniya: "These...statements that I get from all of you are already enough pressures.

"In fairness, totoo po ito, walang ipinadadala sa amin, walang dikta si Presidente sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagkataon lang" ang sagot ng isang GMA News insider sa isyu na kakulay ng logo ng ABS-CBN ang mga damit na suot nina (mula kaliwa) Pia Arcangel, Vicky Morales, at Atom Araullo sa live broadcast ng 24 Oras kagabi, February 11.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results