PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wish Ko Lang! ng GMA-7, magpapaalam na pagkatapos ng 18 years

Wish Ko Lang!, papalitan ng Ilaban Natin 'Yan na si Vicky Morales pa rin ang host.
by Jojo Gabinete
Published Feb 14, 2020
Bukas, February 15, ang last episode ng public-service program ni Vicky Morales sa GMA-7, ang Wish Ko Lang!
PHOTO/S: GMA Network

Maituturing na "end of an era" ang pamamaalam sa telebisyon ng Wish Ko Lang!, ang public-service program ng GMA-7 na nagbigay ng katuparan sa mga kahilingan ng ating mga kababayan.

Labingwalong taong namayagpag sa ere ang Wish Ko Lang!

Una itong napanood noong June 29, 2002.

Magpapaalam ito sa ere bukas, February 15, isang araw matapos ang Valentine’s Day.

Si Bernadette Sembrano ang original host ng Wish Ko Lang! Napanood siya mula 2002 hanggang 2004.

Makalipas ang dalawang taon, si Vicky Morales ang naging host ng programang matagal naging bahagi ng buhay ng mga Pilipino tuwing Sabado.

To date, may 983 episodes ang Wish Ko Lang! na naghatid ng mga inspirational story na kinapulutan ng mga aral.

Ang Ilaban Natin ‘Yan ang ipapalit ng GMA-7 sa Wish Ko Lang!

Si Vicky pa rin ang host ng bagong programa na mapapanood simula sa February 22.

Reality-drama ang concept ng Ilaban Natin ‘Yan, na ikinukumpara sa Face To Face ni Amy Perez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilala si Amy bilang Tiyang Amy sa Face to Face, ang public service program na napanood sa TV5 mula March 2010 hanggang October 2013.

Kung sa Wish Ko Lang! ay nakilala si Vicky bilang fairy godmother dahil binibigyan niya ng katuparan ang pangarap ng mga taong lumalapit at humihingi ng tulong sa kanyang programa, sa Ilaban Natin ‘Yan ay magiging ate naman siya ng bayan.

Siya ang tutulong para malutas ang problema ng mga nag-iiringang pamilya.

Maipagmamalaki ng staff ng Wish Ko Lang! na magpapaalam ang kanilang Saturday afternoon show na mataas ang rating.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukas, February 15, ang last episode ng public-service program ni Vicky Morales sa GMA-7, ang Wish Ko Lang!
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results