Jay Durias, nilinaw ang rumored romance nila noon ni Janice de Belen

by Jojo Gabinete
Feb 15, 2020
South Border co-founder Jay Durias dreams of immortalizing his band's legacy through a stage musical.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang rumored relationship nila noon ni Janice de Belen ay naungkat sa contract signing ni Jay Durias sa Viva Music Publishing Inc. para sa publishing rights ng mga kantang isinulat niya.

Natawa si Jay nang marinig ang tanong tungkol kay Janice dahil wala raw katotohanan ang tsismis na “playing beautiful music together” sila.

“We’re very, very close. Masyado lang pinalaki.

"But we’re family friends talaga since noon pa. They’ve been there to support us.

“Kilala siya ng wife ko, yung mother in-law ko. Barkada siya ng manager namin.

"Siguro talagang ginawan lang [ng intriga],” nakangiting paglilinaw ni Jay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Happily married si Jay sa asawa niya at may dalawang anak sila—ang 20-year-old daughter nilang si Khalil at ang kanilang 13-year-old son na si JD.

Minana ng dalawang anak ni Jay sa kanya ang hilig ng mga ito sa musika.

“Into music sila. May band kami, ang pangalan, Bandurias.

"Ayaw nga nila [ng pangalan], pinilit ko lang,” kuwento ng isa sa mga founding members ng South Border noong 1993.

Ipinagkatiwala ni Jay sa Viva Music Publishing Inc. ang 45 compositions niya dahil sa kanyang paniniwalang magbubukas ito ng mga bagong oportunidad sa South Border.

Lahad niya, “I gave the publishing rights to Viva. That’s the deal.

"Pero as artist, hindi naman. It’s just the songs, like 'Kahit Kailan,' they can do anything, like, movie.

“Puwedeng i-record, ilagay sa movie soundtrack, cover ng ibang artists. Lahat ng works ko, inintrega ko na sa Viva.

“I’m really excited kasi maraming bagong young guns na kasama, new ideas, it’s very exciting all the time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama sa pangarap ni Jay ang magkaroon ng musical play tungkol sa South Border, at makagawa uli siya ng isang hit song gaya ng "Kahit Kailan" at "Rainbow."

Patuloy niya, “I would love to have a play written for South Border.

"May nakausap na kami before, siguro magma-materialize lang talaga iyan kapag nagkaroon ng plano.

“Nag-start na rin ako ngayon na mag-explore ng idea, pero ginagawa ko yung 'Habang Atin Ang Gabi.'

"Gusto ko siyang gawin na Habang Atin Ang Mundo, The Play.

“Yun ang naiisip ko pa lang, one of those ideas, pero hindi pa siya talaga… mahabang yearning pa ito.

"Hopefully, good health lang.

“May isang song kami sa Tabing-Ilog, The Musical, yung 'All I Want Is You Today.'

“There is this desire to have that feeling of writing a hit again because, before, I used to love planning of writing songs na tingin ko maghi-hit.

"Nawala yung feeling na iyon, parang gusto ko na to write for myself na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ito rin yung science behind that, you wanna try to go out and make it again.

"Parang nung pinlano ko iyung 'Rainbow'… gusto ko lang sanang mabalik yung inspiration.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Border co-founder Jay Durias dreams of immortalizing his band's legacy through a stage musical.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results