PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korean movie at TV series, namamayagpag sa Pilipinas

Balik-sinehan ang Parasite.
by Jojo Gabinete
Published Feb 16, 2020
Mainit ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga pelikulang Parasite at Kim Ji-Young, maging sa series na Crash Landing On You.
PHOTO/S: File

Ratsada ang pamamayagpag sa Pilipinas ng mga Korean movie at television series.

Ibinalik sa mga sinehan sa Pilipinas ang Parasite, ang South Korean dark comedy thriller film na gumawa ng kasaysayan dahil ito ang kauna-unahang non-English-language movie na nanalo ng best picture sa 92nd Academy Awards.

Unang ipinalabas ang Parasite sa Philippine theaters noong August 2019, at muling ibinalik dahil sa mga parangal na napanalunan sa Oscars na ginanap noong February 10, 2020, sa Dolby Theatre, Hollywood, Los Angeles, California.

Hindi lamang ang Parasite ang mapapanood sa local cinemas nationwide dahil kasabay nitong nagbukas sa mga sinehan noong February 12, ang movie adaptation ng Kim Ji-young, Born 1982, ang controversial feminist novel ng Korean author na si Cho Nam-joo.

Si Jung Yu-Mi at ang popular Korean actor na si Gong Yoo ang lead stars sa feminist movie na nagpaluha sa Pinoy female audience.

Ang Kim Ji-young, Born 1982 ay blockbuster movie sa South Korea nang magbukas ito sa mga sinehan noong October 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lastly, trending sa Pilipinas ang Episode 15 ng Crash Landing On You, ang South Korean television series na napapanood sa Netflix.

Tungkol sa love story ng isang South Korean heiress (na literal na napadpad ng hangin sa North Korea dahil sa paragliding accident) at ng North Korean army officer ang plot ng Crash Landing On You.

Lead actors ng globally trending Korean television series sina Son Ye-jin at Hyun Bin. Popular na popular si Hyun Bin sa mga Pinoy dahil siya ang leading man sa Kim Sam Soon, ang Koreanovela na tatlong beses (2006, 2009, 2015) ipinalabas sa GMA-7.

Ang popularidad ng Kim Sam Soon ang dahilan kaya nagkaroon ito ng local adaptation, ang Ako Si Kim Sam Soon, na pinagbidahan nina Regine Velasquez at Mark Anthony Fernandez noong June 2008.

Twenty-three-years old si Hyun Bin nang magbida sa Kim Sam Soon at ngayong 37-years-old na siya, muling sumikat at naging in demand ulit dahil sa kanyang lovable character sa Crash Landing On You.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Pilipinas, sina Ai-Ai Delas Alas at former Senator JV Ejercito ang ilan sa mga kilalang personalidad na hooked sa panonood ng Crash Landing On You. Matagal nang kinukumbinsi si Anne Curtis ng kanyang mga supporter na panoorin ang Crash Landing On You pero dahil ayaw mabitin, sinabi ni Anne na manonood siya kapag tapos na ang Koreanovela o kumpleto na ang episodes nito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mainit ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga pelikulang Parasite at Kim Ji-Young, maging sa series na Crash Landing On You.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results