Former actress Ruby Regala, ina ni John Regala, pumanaw na

by Jojo Gabinete
Feb 23, 2020
Pumanaw noong January 11, 2020 sa Amerika ang dating aktres na si Ruby Regala, ina ng aktor na si John Regala, ngunit ngayong buwan lamang naiuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi.
PHOTO/S: Video 48 / Screen grab from KMJS

Brain tumor ang ikinamatay ng former actress na si Ruby Regala, ina ng character actor na si John Regala.

Binawian ng buhay si Ruby noong January 11, 2020 sa St. Joseph Medical Center sa Tacoma, Washington, USA. Siya ay 72.

Natagalan bago naiuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Regal.

Ngayong Linggo, February 23, hanggang February 27 ang burol ng dating aktres sa St. Peter Chapels, Tandang Sora, Commonwealth, Quezon City.

Nag-post si John sa Facebook ng mensahe para sa yumaong ina.

Pahayag niya: "Mama I promise I will do everything you want for me. Your words will keep in my mind and you’re always here in my heart.

"Mama help me to stand on myself now that your gone, you’re my hope and happiness.

"Mama, guide me always, I love you mama."

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Ruby nang aktibo pa ito sa showbiz noong dekada '60 ay ang Zebra, Pintung Bakal, at Gintong Patibong.

Continue reading below ↓


Si John ang bunga ng relasyon ni Ruby sa former actor na si Mel Francisco.

Sinuportahan ni Ruby ang acting career ng kanyang anak noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz noong dekada ’80.

Ayon sa veteran entertainment columnist na si Aster Amoyo, huling nagkita ang mag-ina noong December 2018 nang umuwi sa Pilipinas ang former actress para magbakasyon.

Continue reading below ↓

Bumalik sa Amerika si Ruby noong February 19, 2019.

Noong December 30, 2019, nagkaroon siya ng blood clot dahil sa pagputok ng ugat sa utak niya.

Matagal na-comatose si Ruby sa St. Joseph Medical Center.

Dahil mag-isang namumuhay sa Amerika, ang mga kasamahan niya sa Iglesia ni Cristo ang nag-asikaso at nag-alaga sa kanya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw noong January 11, 2020 sa Amerika ang dating aktres na si Ruby Regala, ina ng aktor na si John Regala, ngunit ngayong buwan lamang naiuwi sa Pilipinas ang kanyang mga labi.
PHOTO/S: Video 48 / Screen grab from KMJS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results