Greenhills hostage-taker, di matanggap na tinanggal sa trabaho

by Jojo Gabinete
Mar 2, 2020
Bandang alas-onse ng umaga ngayong Lunes, March 2, nagsimula ang hostage-taking incident sa Greenhills, at natapos lamang ito bago mag-alas nuebe ng gabi.
PHOTO/S: Screen grab from Balitanghali

Sarado ang lahat ng mga business establishment sa Greenhills Shopping Center sa San Juan City dahil sa hostage-taking situation.

Nag-umpisa ito kaninang bandang alas-onse ng umaga, March 2, at natapos nito lamang bago mag-alas nuebe ng gabi.

Apektado rin ang lahat ng mga sinehan sa Greenhills Theater Mall at Greenhills Promenade dahil sa desisyon ng management na magsara habang hindi natatapos ang hostage crisis.

May puwesto sa Bridgeway Shop ang Cabinet Files source na si Chris Diño.

Siya ang nagkuwentong hindi na sila pinayagang makapasok sa kanilang mga tindahan nang magsimula ang hostage-taking incident sa administration office, na matatagpuan sa Bridgeway shops building at hindi sa main mall ng VMall.

Reportedly, isa lamang ang pintuan at walang bintana ang administration office kaya mahirap makita at masubaybayan ang mga kilos ni Alchie Paray.

Si Paray ang security guard na hostage-taker.

Hindi matanggap ni Paray na tinanggal siya sa trabaho at nagalit nang hindi niya makumbinsi ang kanyang mga kasamahan na mag-aklas laban sa VMall management.

Continue reading below ↓

Humarap sa media ang security officials ng Greenhills Mall at ang security agency na kinabibilangan ni Paray.

Humingi sila ng paumanhin sa hostage-taker at nangakong magbibitaw mula sa kanilang mga posisyon para malutas ang problema.

Nang tanungin namin si Chris tungkol sa mga taong parang nanonood lamang ng shooting sa paligid sa kabila ng delikadong sitwasyon, ipinaliwanag niyang hindi nagkulang ang mga pulis sa paalaalang umuwi na ang mga bystander para makaiwas sila sa kaguluhan na posibleng mangyari.

Ayon kay Chris, mga tenant ng Bridgeway Shops at Shoppesville ang karamihan sa mga bystander na nagbabakasakaling mabilis na matatapos ang insidente para makapagbukas na sila ng kanilang mga tindahan at maipagpatuloy ang mga negosyo nila.

Sa interview kay San Juan City Mayor Francis Zamora, kinumpirma niyang dating nagtatrabaho sa VMall ang security guard na armado umano ng baril at granada.

Earlier, naglabas ng official statement ang Greenhills Center Management tungkol sa hostage situation:

Continue reading below ↓

"We have confirmed reports of an ongoing incident in Greenhills, involving a hostage taking of some of our employees by a former SASCOR (Safety Armor Security Corporation) security guard.

“A fellow security guard was injured, but has already been brought to the hospital.Our priority right now is to ensure the safety of the employees and of the public.

“The management is working closely and coordinating with the authorities. Please bear with us as we allow the authorities to handle the situation.

"We will share further updates as we got more information. For now, we hope for everyone’s cooperation to exercise caution in sharing unconfirmed information online.Thank you.”

Laman na ng international news ang nagaganap na hostage crisis samantalang kinokondena ng ilang netizens ang mga nag-uusyoso at ang live Facebook coverage sa mapanganib na sitwasyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bandang alas-onse ng umaga ngayong Lunes, March 2, nagsimula ang hostage-taking incident sa Greenhills, at natapos lamang ito bago mag-alas nuebe ng gabi.
PHOTO/S: Screen grab from Balitanghali
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results