Boots Anson Rodrigo, nagbitiw na bilang MOWELFUND president

by Jojo Gabinete
Mar 3, 2020
Pagkatapos ng 18 taon, nagbitaw na ang veteran actress na si Boots Anson Rodrigo sa panunungkulan bilang presidente ng MOWELFUND. Siya ay pinalitan ng character actor na si Rez Cortez.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagbitaw na ang veteran actress na si Boots Anson Rodrigo sa tungkulin niya bilang presidente ng Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND).

Ang character actor na si Rez Cortez ang pumalit sa kanya.

"Because I’m 75," sagot ni Boots tungkol sa dahilan ng kanyang pagbibitiw bilang presidente ng MOWELFUND, ang posisyong hinawakan niya sa loob ng 18 taon.

Isa pang dahilan ay para magkaroon sila ng mas maraming oras ng kanyang mister na si Atty. King Rodrigo.

Saad ng veteran actress, "At saka si King retired already.

"Nakakahiya naman kay King, but I will still do movies and television.

"He planned to retire in June [2019], pero hindi natuloy, so naging effective yung kanyang retirement three weeks ago.

"Ang biro nga niya, baka puwede na kaming mag-raise ng family.

"But seriously, we’ll have more time for each other.

"We’ll have more time for ourselves, and we can follow our other pursuits and writing the book.

Continue reading below ↓

"We have advocacies naman, we have ten scholars we’re sending to school, so we have more time for them.

"Si King will continue to write his poems, I’m encouraging him to write his memoirs also."

Nagretiro man si Boots bilang presidente ng MOWELFUND, mananatili siyang board member ng organisasyon.

Bukod sa mga advocacy nila ng asawa niya, ang kanyang isinusulat na libro na may pamagat na Fully Alive at 75 ang pinagkakaabalahan ni Boots.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa mga plano, ilulunsad nito ang libro sa kanyang 76th birthday sa January 2021.

Tinanong ng Cabinet Files si Boots kung ano ang mga mami-miss niya sa kanyang pamumuno sa MOWELFUND.

"Yung hirap, yung paghahanap ng funding!" natatawang reaksiyon niya.

Personal na nakausap ng Cabinet Files si Boots sa announcement ng walong official entries sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na ginanap sa Novotel.

"I think it’s a good mix. In fact, even Chairman Bien Lumbera said mas nagagandahan siya sa mix ngayon," sabi ni Boots tungkol sa official entries.

Continue reading below ↓

Si Boots ay miyembro rin ng executive committee ng Metro Manila Film Festival.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng 18 taon, nagbitaw na ang veteran actress na si Boots Anson Rodrigo sa panunungkulan bilang presidente ng MOWELFUND. Siya ay pinalitan ng character actor na si Rez Cortez.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results