PHP200K bigay ng Viva sa bodyguard ni Sarah Geronimo, hindi areglo kundi tulong?

by Jojo Gabinete
Mar 3, 2020
Kampo ni Matteo Guidicelli, nanindigang walang dahilan para makipag-areglo ang aktor sa bodyguard ni Sarah Geronimo. Ayon sa source ng Cabinet Files, umiral umano kay Boss Vic del Rosario ang awa kaya binigyan si Tamara ng PHP200,000.
PHOTO/S: Raffy Tulfo In Action Youtube / @belobeauty Instagram

Base sa kuwentong nakalap ng Cabinet Files, hindi areglo ang angkop na salita sa nangyari sa pagitan ng Viva Entertainment Inc. at ni Jerry Tamara, ang kontrobersiyal na bodyguard ni Sarah Geronimo.

Ayon kay Boss Vic—ang tawag kay Viva CEO Vic del Rosario—si Tamara ang nag-demand na bayaran siya ng PHP1.5 million bilang damages sa sinasabi nitong panununtok sa kanya ni Matteo Guidicelli, mister ni Sarah.

Naganap ang sinasabing panununtok sa reception ng bagong kasal sa isang restaurant sa Bonifacio Global City noong February 20, 2020.

Ayon sa pahayag ng mag-asawa, walang dahilan para makipag-areglo ang talent management agency na namamahala sa career nina Sarah at Matteo, dahil sa hindi totoo ang paratang ng bodyguard ng singer-actress.

Nagkaroon daw ng idea si Tamara na humingi ng PHP1.5 million dahil sa pag-aabot ni Boss Vic sa kaniya ng PHP50,000 bilang tulong, ayon sa isang informant ng Cabinet Files.

Umiral umano kay Boss Vic ang awa dahil alam niyang mawawalan ng trabaho si Tamara.

Continue reading below ↓

Pero ginulat ni Tamara ang lahat nang mag-demand umano siya ng PHP1.5 million.

THE NEGOTIATION

Atras-abante ang ginawang pakikipag-negosasyon ni Tamara, ayon sa mga tiga-Viva.

Nangyari raw ang insidente nang magsadya si Tamara sa Viva office noong February 26, kasama ang broadcaster na si Raffy Tulfo, na naging tulay para magkaroon ng closure ang kaso.

Mula sa PHP1.5 million, bumaba sa PHP200,000 ang perang hiningi umano ni Tamara.

Kapansin-pansin namang may kausap si Tamara sa telepono na tinatawag niyang "Ma'am," na kinokunsulta niya habang nagaganap ang negosasyon.

Hindi itinanggi ni Tamara na ang ina ni Sarah, si Divine "Mommy Divine" Geronimo, ang kausap niya sa kabilang linya.

Noong araw ring iyon ay makukuha na sana ni Tamara ang halagang PHP200,000.

Inihahanda na noon ang napagkasunduang perang tatanggapin ni Tamara nang biglang magbago ang isip nito.

Ang paliwanag ni Tamara, mag-iisip muna siya nang mabuti at mag-uusap din sila ng kanyang misis.

Continue reading below ↓

Kinabukasan, February 27, tumawag ulit si Tamara sa telepono upang kausapin ang mga legal counsel ng Viva.

Ipinakausap ni Tamara ang kanyang kasamang abugado sa abugado ng Viva, at sinabing tatanggapin na niya ang PHP200,000 na kasunduan ng magkabilang panig.

Biyernes, February 28 ng tanghali, muling tumawag si Tamara sa legal counsel ng Viva para sabihing kukunin na ang pera.

Nangyari ito bandang alas-kuwatro ng hapon.

Sa huli ay kinuha ni Tamara ang PHP200,000.

TULFO'S REACTION

Diumano, hindi ikinatuwa ni Tulfo ang ginawa ni Tamara dahil parang nagamit daw ng bodyguard ang kanyang public service program.

Sa halip kasi na muling dumaan sa programa ni Tulfo, kung saan naghain siya ng reklamo, dumiretso na si Tamara sa Viva.

Sa interview ni Tulfo kay Tamara habang nasa opisina sila ng Viva noong February 26, sinabi ng bodyguard ang bilin ni Mommy Divine na huwag siyang makipag-ayos kay Matteo.

"Sabi niya, dapat nasa proseso daw. Yung ginawa ni Sir Matteo, dapat panagutan yung mga pangyayari at malinis yung pangalan."

Continue reading below ↓

Kay Tulfo, sinabi ni Tamara, "Kusang-loob po talaga na pumunta sa inyo.

"Sa akin naman, Sir, gusto ko naman talaga na maayos na para wala na din gulo.

"Gusto ko rin makaharap si Ma'am Sarah at Sir Matteo talaga."

HIDING BEHIND A MASK

Nakasuot si Tamara ng face mask mula nang lumantad siya para isalaysay ang bersiyon ng pananakit umano sa kanya ni Matteo.

Mukhang gumamit si Tamara ng face mask para ikubli sa publiko ang kabuuan ng kanyang mukha, at hindi dahil sa pinoprotektahan ang sarili sa dreaded disease na COVID-19.

Higit na kailangan ngayon ni Tamara ang face mask upang hindi siya masyadong makilala at makaiwas sa batikos ng publiko.

Hinuhusgahan ang kanyang pagkatao dahil sa paghingi niya ng PHP1.5 million para hindi na niya ituloy ang pagsasampa ng reklamo laban kay Matteo.

Ang ina ni Sarah ang itinuturong gumawa ng paraan para "ipa-Tulfo" ni Tamara si Matteo noong February 24.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kampo ni Matteo Guidicelli, nanindigang walang dahilan para makipag-areglo ang aktor sa bodyguard ni Sarah Geronimo. Ayon sa source ng Cabinet Files, umiral umano kay Boss Vic del Rosario ang awa kaya binigyan si Tamara ng PHP200,000.
PHOTO/S: Raffy Tulfo In Action Youtube / @belobeauty Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results