Tongue-to-tongue kissing scene nina Lovi Poe at Marco Gumabao, nakakaeskandalo

by Jojo Gabinete
Mar 4, 2020
Hindi press release ang sinabi ng Hindi Tayo Pwede director na si Joel Lamangan tungkol sa mapangahas na “tongue-to-tongue kissing” nina Lovi Poe at Marco Gumabao.
PHOTO/S: Noel Orsal

Naeskandalo sa love scene nina Lovi Poe at Marco Gumabao ang audience ng pelikulang Hindi Tayo Pwede.

Ang Hindi Tayo Pwede ay nagbukas sa 195-cinemas nationwide ngayong Miyerkules, March 4, at nagkaroon ng premiere sa SM Megamall Cinema kagabi, March 3.

May dahilan para maeskandalo ang manonood dahil napatunayan nilang hindi press release ang sinabi ng Hindi Tayo Pwede director na si Joel Lamangan tungkol sa mapangahas na “tongue-to-tongue kissing” nina Lovi at Marco.

Malakas din ang reaksiyon ng audience sa butt exposure ni Marco.

Unang nag-butt exposure si Marco sa love scene nila ni Anne Curtis sa blockbuster movie na Just A Stranger, na napanood sa mga sinehan noong August 2019 at isa na ngayon sa mga trending films sa Netflix.

"Ghost movie" ang description sa Hindi Tayo Pwede ng mga dumalo sa premiere night ng pelikula nina Lovi, Marco, at Tony Labrusca.

Wandering ghost na hindi maiwanan ang babaeng kanyang pinakamamahal ang karakter na ginampanan ni Tony sa unang movie project niya sa Viva Films.

Continue reading below ↓


ROMANCE GHOST MOVIES

Tila nauuso sa Pilipinas ang mga romance ghost movie.

Hindi nagkakalayo ang plot ng Hindi Tayo Pwede sa kuwento ng Us Again, ang pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na tinampukan nina Jane Oineza at RK Bagatsing at ipinalabas sa mga sinehan noong February 2.

Sa Love The Way U Lie, multo ang karakter ni Kylie Verzosa na hindi rin maiwan ang lalaking minamahal niya sa katauhan ni Xian Lim.

Continue reading below ↓

Ang Love The Way U Lie ang isa sa mga official entries sa 1st Sumer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa April 11 at matatapos sa April 21, 2020.

Multo rin ang karakter ni Toni Gonzaga sa Last Night, ang pelikula nila ni Piolo Pascual sa Star Cinema noong 2017.

Ang Patrick Swayze-Demi Moore-Whoopi Goldberg starrer na Ghost ang isa sa mga pinaka-successful American love story ghost movies.

Pinilahan ito sa mga sinehan sa buong mundo nang ipalabas noong July 1990, ang panahong hindi pa uso ang film piracy.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi press release ang sinabi ng Hindi Tayo Pwede director na si Joel Lamangan tungkol sa mapangahas na “tongue-to-tongue kissing” nina Lovi Poe at Marco Gumabao.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results