Ian Veneracion, tanggap ang pagiging tomboy ng nag-iisang anak na babae

by Jojo Gabinete
Mar 4, 2020
Ian Veneracion (right) after daughter Dids's coming out: "Just don't be ever apologetic about it, not even to me. You can be whoever you want to be, and I have full support."
PHOTO/S: Screen grab from Magandang Buhay

Trending sa social media ang pangalan ni Ian Veneracion dahil sa Magandang Buhay guesting nila ng kanyang anak na si Dids ngayong Miyerkules ng umaga, March 4.

Hinahangaan at pinupuri si Ian ng publiko dahil maluwag sa kaloobang tinanggap nito ang pagiging tomboy ng kanyang nag-iisang anak na babae.

Suportado ni Ian si Dids, na nagulat pa dahil hindi nagtaka ang kanyang ama nang mag-come out siya sa edad na 16.

Lahad ni Ian, "Kinukulit ko yung mga motor ko, dumating siya, medyo teary-eyed.

"Sabi niya, 'Daddy, I have to tell you something.'

"Sabi ko, 'What? Sit down.'

"Sabi niya, 'I like girls.'

"Tapos sabi ko sa kanya, 'Me also, I like girls.'

"So, parang nagtataka siya, sabi niya, 'It's okay?'

"Sabi ko, 'Yes. Just don't ever be apologetic about it, not even to me.'

"Sabi ko, 'You can be whoever you want to be, and I have full support.'

Continue reading below ↓

"Natawa siya. Sabi niya, 'You know?'

"Sabi ko, 'Oo naman, bata ka pa, ang macho mo na.'

"So, alam ko na dati."

Tatlo ang anak ni Ian at ng kanyang misis na si Pam Gallardo: sina Draco, Dids, at Duccio.

RICKY DAVAO AND DAUGHTER RIKKI MAE

Hindi si Ian ang unang dramatic actor na nagkuwento sa national television tungkol sa pagiging tomboy ng kanyang anak.

Nauna nang magsalita si Ricky Davao sa guesting nito sa talk show ni Boy Abunda noong July 2016.

Ang kaibahan lang, nagulat si Ricky nang ipagtapat ni Rikki Mae na tomboy ito.

Pero tinanggap niya ang katotohanan at ibinigay ang buong suporta sa anak nila ni Jackie Lou Blanco.

"Nung first time niya na binanggit sa akin ito, nagulat ako.

"Hindi ako nagalit, nagulat ako, kasi sabi ko, 'Gusto ko, magkaroon ng apo sa 'yo.

"Bottomline is respect.

"'I love you, kung anuman ang gusto mo, gawin mo. I will support you.'

Continue reading below ↓

"Yun lang iyon, magulang ka, it’s all about respect.

"I’m very supportive kung anuman ang gusto niyang gawin.

"Actually, nagtatanong pa ako sa kanya ng mga bagay-bagay.

"Iba ang pananaw ng millennials ngayon, so I’m learning from them," sabi ni Ricky tungkol sa pagtanggap niya sa katauhan ni Rikki Mae.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ian Veneracion (right) after daughter Dids's coming out: "Just don't be ever apologetic about it, not even to me. You can be whoever you want to be, and I have full support."
PHOTO/S: Screen grab from Magandang Buhay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results