Pinay host, former Ford Models CEO, nagtagpo dahil sa anti-human trafficking advocacy

by Jojo Gabinete
Mar 7, 2020
Net25 host Shelly Lazaro and former Ford Models CEO Katie Ford, nagtagpo dahil sa anti-human trafficking advocacy nila
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Tahimik na bumalik sa Pilipinas si Katie Ford para sa kanyang anti-human trafficking advocacy. Si Ford ang former chief operating officer (CEO), mula 1995 hanggang 2007, ng sikat na modelling agency na Ford Models.

Kabilang sa naging sikat na models ng naturang agnecy ay sina Jane Fonda, Naomi Campbell, Brooke Shields, Sharon Stone, Kim Basinger, Channing Tatum, Lindsay Lohan, pati na rin ang mga PInay na sina Charlene Almarvez at Charo Ronquillo.

Nang magretiro siya bilang CEO ng Ford Models, itinayo ni Ford ang Freedom For All, ang organisasyon niya na tumutulong para masugpo ang trafficking, forced labor, at child labor sa buong mundo.

Ang Voice of the Free, ang pinakamalaking anti-human trafficking foundation sa Pilipinas ang isa sa biggest beneficiary ng Freedom For All kaya madalas si Katie sa ating bansa.

Si Ford ang special guest noong Miyerkules, March 4, sa pilot taping ng Going Live with Shelly, ang bagong talk show ng philantrophist na si Shelly Lazaro na mapapanood sa Net25 simula sa March 28.

Continue reading below ↓

“Si Katie Ford, when her parents died, ipinamana sa kanya ang Ford Modeling Agency. Siya na ang naging CEO at kaya kami nag-meet, because of this anti-human trafficking advocacy.

"Ang nangyari sa kanya, nalaman niya na one of her models, parang biktima ng trafficking sa Amerika. Marami pang story, pero doon nagsimula yung interest and obsession niya sa cause na iyon.

“She supports Voice of the Free. I met the founder [of Voice of the Free] when I was young. When I met the founder, grabe, nalaman ko na mga girls as young as five years-old, six-years-old, ibinebenta ng mga magulang nila. Normally, pag ganyan, lalo na Filipinos, dinala sa abroad, ninety-nine percent ng cases, sa prostitution sila nauuwi.

"Before, I was just helping, personal, and then, they asked me to be part of the advisory board and part din nito si Katie,” ang kuwento ni Shelly tungkol sa pagtatagpo ng landas nila ni Katie.

Continue reading below ↓

Shocking ang mga sumunod na pahayag ni Shelly tungkol sa human trafficking business sa ating bansa na base sa mga karanasan ng mga biktima na nailigtas ng Voice of the Free.

"Inaral ko, nalaman ko na it’s a billion-dollar business. How can you stop a billion-dollar business?

"Yung unang story na narinig ko diyan, kaya ako naging into it talaga—bata, ibinenta ng magulang niya, kapalit ng payong na automatic. Ang hirap-hirap nila kaya siguro, akala niya may value yung automatic na payong.

"Meron naman kaming kaso, cybersex. Medyo doon kami nahirapan kasi paano mo madi-distinguish? May na-rescue kami, dalawang batang lalake na parehong seven years old. We were asking, ano ang ipinagagawa sa inyo? F*llatio sa dog!” ang napapikit ang mata na kuwento ni Shelly tungkol sa dalawang bata na biktima ng cybersex syndicate na-rescue nila noon sa Cebu.

Sa pamamagitan ng kanyang mga advocacy at programa sa Net25, umaasa at nananalig si Shelley na mas maraming tao ang matutulungan niya.

Continue reading below ↓

Initially, nagdalawang-isip si Shelly na tanggapin ang alok na programa ng Net25 management dahil sa dami ng kanyang mga ginagawa.

"I’m primarily a very hands-on mom, and I manage several businesses na medyo demanding sa time. I have so many socio-civic organizations, president ako ng Rotary, Club Bulakenyo, I have this anti-human trafficking foundation.

"But when the people of Net25 talked to me, they were all nice. The first thing I told them, I think I can consider because I can use it [the show] as platform for my advocacies."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Net25 host Shelly Lazaro and former Ford Models CEO Katie Ford, nagtagpo dahil sa anti-human trafficking advocacy nila
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results