Confirmed: May video scandal nga ang isang veteran actor

by Jojo Gabinete
Mar 8, 2020
Parang gumawa ng kasaysayan sa local entertainment industry ang isang veteran actor dahil siya ang pinakamatandabg may video scandal.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

So it’s true.

Lumabas na ang matibay na ebidensiyang totoo ang balitang may video scandal ang multi-awarded veteran actor.

Parang gumawa ito ng kasaysayan sa local entertainment industry dahil siya ang pinakamatandang may video scandal.

April 2019 nang unang mapabalita na, tulad ng ibang mga aktor na halos anak na niya, may video scandal rin ang respected veteran actor.

Imbes na mag-deny, tinawanan lamang ng aktor ang entertainment editor na nagtanong sa kanya kung may katotohanan ang tsismis na, gaya ni Jim Paredes, may malaswa rin siyang video na nagbabadya noong mag-trending.

Makalipas ang halos isang taon, lumitaw ang ebidensiya.

Mahihirapan nang mag-deny ang veteran actor dahil malinaw na malinaw na siya ang bida sa video scandal na nagpapakitang pinaliligaya niya ang sarili.

Pero wala nang dapat ikatakot ang veteran actor dahil tiyak na lilipas din ang isyu, bilang isa lamang siya sa maraming male celebrities na nagkaroon ng video scandal.

Continue reading below ↓

Tularan na lamang niya ang "I don’t care anymore" attitude ng mga kapwa artista na may mga video scandal at maituturing na survivors dahil nalampasan nila ang matinding pagsubok na sila rin ang may kagagawan.

Sila rin ang dapat sisihin kaya nasadlak sila sa alanganing sitwasyon.

Kung naging maingat sila, naiwasan sana nilang masangkot sa eskandalo para hindi nahusgahan ang kanilang “pagkalalaki.”

Sa kaso ng veteran actor na, hindi man “techie,” posibleng kilala nito ang kanyang kausap at siyang nagkalat ng video.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parang gumawa ng kasaysayan sa local entertainment industry ang isang veteran actor dahil siya ang pinakamatandabg may video scandal.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results