Cristine Reyes, best actress sa 40th Fantasporto International Film Festival

by Jojo Gabinete
Mar 9, 2020
Cristine Reyes is the third Filipino to win an acting recognition from the Fantasporto International Film Festival. Cristine wins best actress for her performance in Untrue.
PHOTO/S: Viva Films

Kinilala ang husay ni Cristine Reyes bilang aktres sa 40th Fantasporto International Film Festival (FPIFF) sa Porto, Portugal.

Si Cristine ang hinirang na best actress para sa role niya sa Untrue.

Ang best actress trophy mula sa FPIFF ang kauna-unahang international acting award na natanggap ni Cristine.

Nagpamalas siya ng galing sa mga eksena niya sa Untrue, ang he-said, she-said thriller movie ng Viva Films.

Si Cristine ang pangatlong artista mula sa Pilipinas na nagwagi sa naturang film festival.

Si Ian Veneracion ang best actor noong 2018 para sa Ilawod, at si Barbie Forteza ang pinakamahusay na aktres noong 2016 dahil sa performance niya sa Laut.

Hindi si Cristine ang nag-iisang Pinoy na nanalo sa 40th FPIFF, dahil nanalong best director si Derick Cabarido para sa Clarita, ang horror movie ng Black Sheep Productions na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria.

Best actor winner ang Swedish actor na si Leif Edlund, ang bida sa Koko-Di Koko-Da, ang pelikula na co-production venture ng Sweden at Denmark.

Continue reading below ↓

Best picture ang Ghostmaster ng Japan.

Best screenplay winners sina Chris Bavota at Lee Paula Springer ng Canada para sa Dead Dicks.

Best visual effects awardee ang The Soul Conductor ng Russia; best short film ang Moros en la Costa de Damia Serra Cauchetiez ng Spain.

Ang Detention ng Taiwan ang nanalo ng Orient Express Special Jury Prize, at ang Bring Me Home ng South Korea ang nag-uwi ng Grand Orient Award.

Ang Teatro Rivoli ang venue ng 40th edition ng Fantasporto-Porto International Film Festival, na nagsimula noong February 28 at nagwakas noong March 7, 2020.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes is the third Filipino to win an acting recognition from the Fantasporto International Film Festival. Cristine wins best actress for her performance in Untrue.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results