Aktres galing Japan, pinag-self quarantine; taga-QC, nagpositibo sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 9, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Hindi natuloy ang week-long guesting ng aktres sa isang TV show dahil pinayuhan siyang mag-self quarantine muna.

Ipo-promote sana ng aktres sa TV show ng kanyang bagong pelikula na ipalalabas sa mga sinehan, pero kararating lang niya mula sa Japan, kaya pinagpahinga siya bilang precautionary measure ng production staff at ng TV network laban sa banta ng novel coronavirus o COVID-19.

Naghatid naman ng pangamba sa mga residente ng Quezon City ang kumpirmasyon ng Department of Health at ng Quezon City government na naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa siyudad.

Ayon sa report ng GMA News, kinumpirma ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na positibo sa COVID-19 ang isang residente ng 1st District ng Quezon City.

Ginawa ni Mayor Joy ang announcement sa kanyang State of the Women Address for Women’s Month sa Quezon City Hall Plaza ngayong Lunes ng umaga, March 9.

Pahayag ng alkalde: “I would like to make an announcement. There is a confirmed positive case of COVID-19 in Quezon City.

Continue reading below ↓

“I cannot give you details at the moment except to say that this positive individual is from the 1st District.”

May 37 barangay ang unang Distrito ng Quezon City: Alicia, Bagong Pag-asa, Bahay Toro, Balingasa, Bungad, Damar, Damayan, Del Monte, Katipunan, Lourdes, Maharlika, Manresa, Mariblo, Masambong, N.S. Amoranto (Gintong Silahis), Nayong Kanluran...

Paang Bundok, Pag-ibig sa Nayon, Paltok, Paraiso, Phil-Am, Project 6, Ramon Magsaysay, Saint Peter, Salvacion, San Antonio, San Isidro Labrador, San Jose, Santa Cruz, Santa Teresita, Santo Cristo, Santo Domingo, Siena, Talayan, Vasra, Veterans Village, at West Triangle.

Nag-iimbestiga at gumagawa na ng contact tracing ang Quezon City government tungkol sa pasyenteng residente ng siyudad, na kasama sa sampung kaso ng COVID-19 na kinumpirma ng Department of Health.

Pinayuhan din ang mga mamamayan ng Quezon City na magsagawa ng precautionary measures laban sa COVID-19.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results