Kumusta si Mommy Divine ilang linggo pagkatapos ng Sarah-Matteo secret wedding?

by Jojo Gabinete
Mar 11, 2020
(Kaliwa) Nakita ng talent manager na si Wowie Roxas ang ina ni Sarah Geronimo na si Divine Geronimo sa restaurant na pag-aari ng pamilya ng Popstar Royalty sa Mindanao Avenue, Quezon City. (Kanan) Si Sarah at ang kanyang mister na ngayong si Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: Courtesy of Wowie Roxas / Instagram

Nagkaroon ng pagkakataon ang talent manager na si Wowie Roxas, aka Daddie Wowie, na makilala nang personal si Divine Geronimo, aka Mommy Divine.

Si Mommy Divine ang ina ni Sarah Geronimo na naging kontrobersiyal dahil tutol siya sa pagpapakasal ng kanyang anak kay Matteo Guidicelli.

Nangyari ang pagkikita nina Daddie Wowie at Mommy Divine sa restaurant/store na pag-aari ng mga Geronimo sa Mindanao Avenue, Quezon City, Martes ng gabi, March 10.

Si Daddie Wowie ang mentor-discoverer ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Siya rin ang manager ni Joaquin Domagoso, ang anak ni Isko na mainstay ng All-Out Sundays ng GMA 7.

Nahiya si Daddie Wowie na magtanong kay Mommy Divine tungkol kay Sarah, pero bakas daw ang kalungkutan sa mga mata ng ina ng singer-actress.

Ikinuwento ni Daddie Wowie sa Cabinet Files na bumilib siya sa sipag ng nanay ni Sarah dahil nagtitinda ito ng organic vegetables mula sa farm ng mga Geronimo.

Continue reading below ↓

"Mga fresh ang gulay na itinitinda ni Mommy Divine. May mga kalabasa, radish, kamote…

"Nagtitinda rin siya ng suka sa puwesto nila sa Mindanao Avenue.

"First time ko na ma-meet si Mommy Divine...

"Ayaw nga niyang magpakuha kami ng litrato, pero napapayag ko rin.

"Ang sabi niya, huwag kong i-post, pero nag-post pa rin ako."

Hangang-hanga raw si Daddie Wowie sa sipag at sa husay ni Mommy Divine sa salestalk.

Ang pagiging negosyante ni Mommy Divine ang diumano’y patunay na hindi totoo ang mga haka-hakang umaasa lamang kay Sarah ang pamilya nila.

Mula nang pumutok ang balita tungkol sa pagwawala niya sa reception ng secret Christian wedding nina Sarah at Matteo sa isang restaurant sa Bonifacio Global City noong February 20, hindi na nakita ng publiko si Mommy Divine.

Hindi rin nito binasag ang pananahimik, sa kabila ng kaliwa’t kanang mga batikos na natanggap niya.

Ang litrato nina Daddie Wowie at Mommy Divine ang unang beses na muling nasilayan ng publiko ang protective at controversial mother ni Sarah, pagkatapos ng pinagpistahang pagpapakasal ng kanyang anak kay Matteo.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Kaliwa) Nakita ng talent manager na si Wowie Roxas ang ina ni Sarah Geronimo na si Divine Geronimo sa restaurant na pag-aari ng pamilya ng Popstar Royalty sa Mindanao Avenue, Quezon City. (Kanan) Si Sarah at ang kanyang mister na ngayong si Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: Courtesy of Wowie Roxas / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results