Dra. Vicki Belo, negatibo sa COVID-19 matapos dumalo sa Milan Fashion Week

by Jojo Gabinete
Mar 13, 2020
Dra. Vicki Belo, negatibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa test dala ng pagdalo sa Milan Fashion Week. Ngayong araw, March 13, inanunsiyo ang pansamantalang pagsuspinde ng operations ng Belo Medical Group upang makatulong sa pagpigil sa paglaganap ng COVID-19.
PHOTO/S: @marchenrichgo via @victoria_belo / @belobeauty Instagram

Ipatutupad ni Dra. Vicki Belo ng Belo Medical Group ang pansamantalang pagsasara ng kanyang mga klinika sa Metro Manila mula March 14, Sabado, hanggang March 22, Sabado.

Para raw ito sa kapakanan ng kanyang mga empleyado at pasyente sa gitna ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Mananaig daw ang prinsipyong "people before profit" ng kumpanya, kaya nagdesisyon siyang magkaroon ng temporary suspension ng operations ng BMG clinics.

Si Dra. Vicki ang founder at CEO ng Belo Medical Group.

Sabi sa official statement ng pamunuan ng Belo Medical Group ngayong Biyernes, March 13:

"We are a family, and although we consider our patients our priority, the value we provide them is subservient to our need to protect the health and safety of our people.

"Belo Medical Group’s 'people before profit' principle is a foundation to our past, present, and future.

"It is the primary concern of the company to ensure the health and safety of everyone."

Continue reading below ↓

Pinapayuhan daw nilang sundin ng kanilang mga empleyado ang social distancing measures sa panahong ito.

"Given the rapid spread of COVID-19, all employees are expected to stay within the confines of their homes during this time.

"Unnecessary travel, gatherings, meeting, and outdoor activities/errands is highly discouraged at this time."

DISINFECTING THE CLINICS

Mula nang pumutok ang balitang libu-libong tao sa buong mundo ang naapektuhan ng COVID-19, tiniyak ni Dr. Belo na handang-handa siya at ang kanyang mga empleyado.

Continue reading below ↓

Ipinakita ni Dra. Vicki sa isang Instagram post nito ang extra precautionary measures na ginagawa sa lahat ng mga klinika ng Belo Medical Group.

"We sanitize and disinfect all our clinics EVERY DAY. Lately, we have increased frequency to every hour. We have thermal scanners to monitor everyone that comes in our clinics.

"Aside from these, our clinics are also equipped with the airintellipure system, the most advanced and powerful technology in combating germs. This technology captures and destroys all virus, bacteria, and molds .

"All these measures are done so our patients and staff are sure that every time they enter a Belo clinic, they are entering a germ-free and virus-free zone."

Continue reading below ↓

DRA. VICKI TESTS NEGATIVE FOR COVID-19

Sa pamamagitan naman ng kanyang Instagram Story noong March 11, sinagot ni Dra. Vicki ang mga nagtatanong sa kanya kung sumailalim na siya sa COVID-19 test.

Kaugnay ito ng pagdalo ni Dra. Vicki sa Milan Fashion Week, kasama si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Una nang nabalita na ang Vietnamese heiress at influencer na si Nga Nguyen ay nagpositibo sa COVID-19, matapos dumalo sa Milan Fashion Week, na ginanap noong February 18 hanggang February 24, 2020.

Pero paglilinaw ni Dra. Vicki, hindi sila nagpunta ni Catriona sa mga shows na dinaluhan ni Nga Nguyen.

"Hi everybody, I would like to thank you all for your concern. I know you’ve been texting and sending me messages if I’m okay.

"It’s been two and a half weeks since I arrived from Milan Fashion Week and I have zero symptoms of anything. I feel so healthy and amazing.

Continue reading below ↓

"But of course, I did the test and it’s all negative.

"You have to remember that I have a little daughter. Scarlet is only five. I have a daughter, Cristalle, who’s pregnant.

"I would never do anything to endanger their lives.

"So right now I feel really healthy. No cough, no fever, no nothing.

"But thank you for praying for me, I really appreciate your concern."

Dagdag nito: "It is our social responsibility to contribute to the control and eradication of the COVID-19 pandemic.

"It is our mission to help people feel better about themselves. This moment presents to us an opportunity to show who we are and what we’re about."

Siniguro rin ng doctor-businesswoman na mino-monitor niya ang health crisis na nangyayari sa ating bansa, at nangakong patuloy na maglalabas ng mga advisory para masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dra. Vicki Belo, negatibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa test dala ng pagdalo sa Milan Fashion Week. Ngayong araw, March 13, inanunsiyo ang pansamantalang pagsuspinde ng operations ng Belo Medical Group upang makatulong sa pagpigil sa paglaganap ng COVID-19.
PHOTO/S: @marchenrichgo via @victoria_belo / @belobeauty Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results