Arnell Ignacio, nagbalak lumipat ng bahay dahil sa COVID-19 scare sa Greenhills

by Jojo Gabinete
Mar 13, 2020
Balik-Viva si Arnell Ignacio matapos pumirma ng five-year contract sa Viva Artists Agency, kasama ang VAA executive na si Veronique del Rosario-Corpus.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Nakansela ang karamihan sa showbiz-related events ngayong linggo dahil sa COVID-19 scare.

Pero natuloy ang contract signing ni Arnell Ignacio, bilang nagbabalik-talent ng Viva Artists Agency, kahapon, March 12.

Sa gitna ng takot na nararamdaman ng lahat dahil sa COVID-19, nagbibigay ng ngiti at saya ang mga personal anecdote ni Arnell.

Greenhills resident si Arnell, kaya walking distance lang ang Greenhills Mall mula sa condominium building na tinitirhan niya.

Nang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na madalas sumamba sa Muslim prayer hall ng Greenhills Mall ang mag-asawang nagpositibo sa COVID-19, nagplano si Arnell na lumipat sa malaking bahay niya sa Cainta, Rizal.

Kuwento niya, "Sabi ko nga, 'Hay naku, doon na lang ako sa kabilang bahay.'

"May bahay ako sa Cainta, dun pala nakatira yung nagkasakit sa Greenhills!"

Naniniwala si Arnell na may aral na itinuturo ang Diyos sa mga nangyayari ngayon sa buong mundo.

Malaki rin daw ang epekto ng COVID-19 pandemic sa kanyang Creative Hair Systems business.

Continue reading below ↓

"Wala kaming negosyo. Sabi ko, sige lang, tuloy lang, matatapos din ‘yan.

"Nire-reboot lang tayo ng Diyos. Pinantay-pantay Niya lahat.

"Walang mayaman, walang mahirap.

"Tingnan niyo, yung kalye, lumuwag. Yung hangin, luminis.

"Yung mga bata, umuwi ng bahay, nakikipag-usap na sa magulang nila, di ba?

"Ang China, nangungulong kayo ng aso, ngayon, kayo ang nakakakulong."

Sabi pa ni Arnell, "Ang Diyos, talaga, 'chosera’ ‘yan. 'Chosera...

"Sabi Niya, 'A, ganyan kayo, ha? Sige! Kunyari, virus, o patay kayong lahat! Walang mayaman, walang mahirap. Lahat kayo matatalino, walang matalino kundi Ako.'"

Nag-iingat din si Arnell sa COVID-19 dahil kumonsulta agad siya sa doktor nang magkaroon ng sipon.

"Sinipon ako, alam mo na, nakaka-paranoid.

"Sabi ko, 'Ba’t ganyan, parang trangkaso lang yung sintomas, e, di gagaling din siya?'"

Five-year contract ang exclusive contract na pinirmahan ni Arnell sa Viva Artists Agency, na planong bigyan siya ng mga pelikula dahil sa performance niya sa Padre Damaso.

Continue reading below ↓

"Bumabalik lang naman ako dahil taga-Viva naman talaga ako noong nagsimula ako, sa 17 Bernard Club," pagtukoy niya sa sitcom na iprinodyus ng ABC-5 at ng Viva Television noong 1992.

"Lahat ng mga pelikula na una kong ginawa, sa Viva.

"It’s really very wonderful to come back to Viva."

Present sa contract signing ni Arnell ang VAA executive na si Veronique del Rosario-Corpus.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Balik-Viva si Arnell Ignacio matapos pumirma ng five-year contract sa Viva Artists Agency, kasama ang VAA executive na si Veronique del Rosario-Corpus.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results