Cast and crew ng ABS-CBN programs, bibigyan ng compensation habang tigil-trabaho

by Jojo Gabinete
Mar 14, 2020

Naglabas na ng official announcement ang ABS-CBN ng listahan ng mga dati nilang programang magkakaroon ng replays bilang pansamantalang kapalit sa kanilang mga current primetime series.

Bago nito, nagsabi na rin ang Kapamilya network na ihihinto muna ang taping ng kanilang mga serye habang hindi pa humuhupa ang banta ng COVID-19.

Anytime soon, maglalabas na rin ang GMA-7 ng statement tungkol sa mga lumang programa nilang gagawing temporary replacement sa kasalukuyang mga teleseryeng ititigil ang production.

So far, dalawang programa ng Kapuso Network ang nag-pack up na ng taping.

Ito ay ang Pepito Manaloto at Bubble Gang, ang sitcom at gag show, respectively, na parehong pinagbibidahan ni Michael V.

PAMI STATEMENT ON ABS-CBN MOVES

Naglabas naman ngayong hapon, March 14, ng mensahe ng pasasalamat ang Professional Artists Managers Inc. (PAMI) sa desisyon ng ABS-CBN ng temporary suspension ng production.

Liban dito, nagpapasalamat ang PAMI sa kusang-loob na pagbibigay ng network ng compensation sa mga artista at mga involved sa production habang tigil-trabaho ang lahat.

Continue reading below ↓

Ito ng PAMI statement:

"We, The officers and members of The Professional Artist Managers, Inc. would like to express our deepest gratitude to the Management and entire team of ABS-CBN for its swift and decisive action to help contain the spread of COVID-19 by temporarily suspending all of its productions involving our Artists, specifically; and all its cast and crew members, in general.

"ABS-CBN gave us, Managers, and all our Artists, the needed reassurance that, beyond ratings and revenues, the health and safety of all their Kapamilyas will always be their paramount concern.

"Furthermore, we appreciate their kindest and most generous consideration to continue compensating the cast and crew of ongoing productions during the suspension period without the need for request or demand."

WHAT CANADA, UK, ITALY ARE DOING FOR THEIR PEOPLE

Malaki ang epekto sa ekonomiya ng buong mundo ng COVID-19 dahil apektado nito ang lahat ng mga negosyo at mga kabuhayan ng mga manggagawa.

Continue reading below ↓

Bukas pa lamang ng gabi (March 15 midnight) ipatutupad sa Metro Manila ang community quarantine, pero ramdam na ramdam na ng lahat ang magiging epekto nito.

Sa entertainment industry pa lang, marami ang nawalan ng trabaho dahil sa desisyon ng mga TV management at movie producers na pansamantalang ipahinto ang taping at shooting ng kanilang mga proyekto.

Kaya may mga mungkahi na tularan ng Philippine government ang pasya ng Italian government na suspendihin ang mortgage at tax payments ngayong may coronavirus outbreak sa kanilang bansa.

Suspended na rin ng mga bangko sa United Kingdom ang loan payments ng mga tao at ng mga negosyo dahil sa nagaganap na krisis.

Ikinatuwa naman ng mga mamamayan ng Canada ang assurance na ibinigay ni Prime Minister Justin Trudeau na wala silang dapat ipangamba sa mga gastusin nila.

"No one should have to worry about paying rent, buying groceries, or additional child care because of COVID-19. We will help Canadians financially.

Continue reading below ↓

“You’re worried about your health, about your family’s health, about your job, your savings, about paying rent, about the kids not being in school.

"I know that you’re concerned about uncertainty in the global economy. The steps being taken to keep you safe have an economic impact, but what is also true is we are in the enviable position of having significant fiscal fire power available to support you," pahayag ni Trudeau sa isang press conference sa tahanan niya sa Ottawa, Canada.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results