Opinyon: Pastor Quiboloy natupad ang mga sinabi kay Vice Ganda?

by Jojo Gabinete
Mar 15, 2020
Natupad nga ba ang mga mensahe noon ni Pastor Apollo Quiboloy (kaliwa) kay Vice Ganda (kanan), o napasama lang ang mensahe sa magulong indayog ng mundo?
PHOTO/S: Courtesy: Pastor Apollo C. Quiboloy on Facebook / Noel Orsal

Ito Ang Buhay ang pamagat ng bagong online show ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Si Quiboloy ay naging kontrobersiyal dahil sa claims nito bilang "Appointed Son of God" at "Owner of the Universe," at sa pagkalat ng viral memes nito mula nang sabihin niyang siya ang nagpahinto ng lindol sa Cotabato nung Oktubre ng 2019.

Inimbestigahan din ang kanyang sekta na na-involve diumano sa ilang ilegal na gawain, katulad ng land grabbing, pagpupuslit ng dolyares at mga baril sa Estados Unidos, child sex ring, at human trafficking.

Si Quiboloy mismo ay sinampahan din ng kasong rape nung nakaraang taon.

Siya ay malapit na kaibigan at supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa episode ng Ito Ang Buhay noong Friday, 13th, tinalakay ni Quiboloy ang precautionary measures na ipatutupad ng Kingdom of Jesus Christ para makaiwas sa banta ng COVID-19 ang kanilang mga miyembro.

Bahagi ng official statement ni Pastor Quiboloy: “The Kingdom of Jesus Christ announces that all massive gatherings, including thanksgiving and worship presentations and programs with live studio audiences, are canceled until further notice in response to the corona virus outbreak.

Continue reading below ↓

“This is in response to the government’s directives in light of the public health situation. For the meantime, we will be utilizing online streaming services to broadcast the message of the appointed son to the millions of followers of the Kingdom worldwide.”

Sa statement muling binanggit ni Pastor Quiboloy ang pangalan nito sa mga social media platforms dahil siya lamang umano ang puwedeng makapagpahinto sa pagkalat ng COVID-19 sa ating bansa.

Continue reading below ↓


QUIBOLOY: "STOP!"

Matatandaang naging tampulan ng tukso si Pastor Quiboloy noong November 2019 dahil sa claim nitong ipinahinto niya ang malakas na lindol na yumanig sa Mindanao sa pamamagitan ng kanyang pagsigaw ng "Stop!"

Sa mga showbiz personalities, si Vice Ganda ang naglakas-loob sabihin sa national television na si Quiboloy ay "mayabang."

Continue reading below ↓

Nangyari ito sa November 5, 2019 telecast ng It’s Showtime.

“Naku, kabahan si Cardo!" ang sabi ni Vice.

"Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. Yung nagpahinto ng lindol.

"Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan.

“So, ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol, e.

"Napakayabang niyo pala!" ang tawang-tawang pahayag ni Vice.

Hinamon din ni Vice si Quiboloy na ipa-stop ang traffic sa EDSA.

Nang makarating kay Quiboloy ang mga sinabi ni Vice, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang mga hamon sa kanya.

Ani Quiboloy, “Bakit naman dumating tayo diyan, parang lindol lang yung pina-stop ko, e.

"Dumating pa yung challenge na ipa-stop ko daw yung Probinsyano o kaya yung [traffic] sa EDSA.

“Kailan mo ba gustong mapa-stop ang Ang Probinsyano? Ikaw, magpili ka, kelan mo ba gustong mai-stop?

"Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan? Apat na buwan? Ikaw, pili ka.

Continue reading below ↓

“Baka sa apat na buwan, hindi lang yung Probinsyano ang mai-stop, baka pati yung network mo, stop na 'yan.”

Muling naalala ng ilang netizens ang hamon ni Vice kay Quiboloy noong November 5, 2019 dahil sa mga sunud-sunod na pangyayari nitong Marso 2020.

Makalipas ang apat na buwan, wala na ang trapik sa EDSA dahil nabawasan ang mga sasakyan sa takot ng mga tao sa virus na pandemic.

Pansamantalang hindi masisilayan sa telebisyon si Cardo Dalisay dahil sa desisyon ng ABS-CBN management na ipahinto ang taping ng Ang Probinsyano at ng ibang drama series ng Kapamilya Network.

Pansamantala ring hindi mapapanood ang It’s Showtime, ang noontime show ni Vice, dahil “ipina-stop” muna ng ABS-CBN management ang airing ng kanilang mga live show.

At ang huli, hindi matutuloy ang pilot telecast ng Everybody Sing! ngayong March 15 dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Ang Everybody Sing! ang bagong Sunday night program ni Vice na ipinalit sa Gandang Gabi Vice.

Continue reading below ↓

Meron ngayong mga naniniwalang nangyari ang dapat mangyari para maturuan si Vice ng aral.

Ang isa, ang maging sensitibo sa paggamit ng media upang paglaruan ang pakiramdam ng mga taong walang ganitong forum at hindi makakasagot karakaraka.

Ang ikalawa, ang iwasan ang paghamon sa publiko sa mga taong may masidhing layuning kumapit sa Diyos.
Kahit pa, mahigit minsan, hindi maintindihan kung saan nanggagaling ang mga salitang lumalabas sa bibig ng mga ito.

May mga nagsasabi namang malinaw na napasama lamang sa agos ng isang magulong mundo—kung saan may ipinanganganak na nakakasindak na virus sa tuwi-tuwina—ang mga mapangahas na salita ng isang pastor.

Una na, tiyak na wala namang masamang intensiyon si Vice nang mapagsalitaan niya si Quiboloy. Malinaw na nagulantang lamang ang komedyante sa mga sinabi ng pastor, na hindi nga naman normal na naririnig kahit sa mga taong may pananampalataya.

Pangalawa, hindi naman dapat ginagawang contest sa pagitan ng dalawang tao ang kanilang magkaibang paniniwala. Ang kanya-kanyang paniniwala ay may kanya-kanyang lugar.

Continue reading below ↓

Ngayon, kung magbibiruan din lang, pwede nang sabihing itong mga salitang binitiwan ni Quiboloy para kay Vice ay maaaring pagsimulan ng ni Vice ng kantang "I Started A Joke."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natupad nga ba ang mga mensahe noon ni Pastor Apollo Quiboloy (kaliwa) kay Vice Ganda (kanan), o napasama lang ang mensahe sa magulong indayog ng mundo?
PHOTO/S: Courtesy: Pastor Apollo C. Quiboloy on Facebook / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results