Krista Ranillo, di exempted sa policy ng supermarket na pag-aari ng asawa

by Jojo Gabinete
Mar 15, 2020
Krista Ranillo, nagtangkang bumili ng tatlong sakong bigas sa supermarket na pag-aari ng asawang si Niño Lim. Pero hindi siya pinayagan dahil sa ipinatutupad na policy ni Niño dala ng rice shortage sa Amerika.
PHOTO/S: Instagram

Hindi ligtas ang Amerika sa banta ng coronavirus (COVID-19 ) kaya naglabas ang Island Pacific ng mga hakbang para mapaglingkuran ang kanilang mga kostumer.

Ang Island Pacific ang sikat na Filipino supermarket sa North America na pag-aari ng businessman na si Niño Lim, ang asawa ng former actress na si Krista Ranillo.

Tiniyak ng management na malinis ang lahat ng mga shopping cart, pintuan, banyo, at mga lugar ng kainan sa lahat ng branch ng Island Pacific.

Naglagay rin sila ng sanitary wipes at antibacterial dispensers para sa kanilang mga kostumer.

Inilunsad ng Island Pacific ang public service advertising campaign para makatulong mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at mabigyan ng edukasyon ang publiko tungkol sa mapanganib na sakit.

Ipinangako ni Niño na ipatutupad nito ang honest pricing sa Island Pacific, at hinding-hindi nila tutularan ang pagtataas ng presyo na ginagawa ng ibang mga supermarket sa Amerika.

RICE SHORTAGE IN THE U.S.

Aminado ang Island Pacific management na nakararanas sila ng rice shortage kaya kontrolado ang kanilang mga ibinebenta.

Continue reading below ↓

Pero nagbigay si Niño ng assurance na malulutas ang problema sa mga susunod na araw.

Hindi nakaligtas si Krista sa policy na ipinatutupad ng kanyang asawa tungkol sa pagbili ng bigas sa supermarket.

Hindi siya nakaranas ng special treatment.

Sa pamamagitan ng Instagram, ikinuwento ni Krista ang naging karanasan niya sa pag-aari nilang supermarket.

"Last night, I tried to buy 3 sacks of rice and the Store Manager Anne in Santa Clarita was very apologetic in telling me that per my husband’s policy, all customers are limited to 2 sacks of 25 lbs. rice or 1 sack of 50 lbs. rice.

"She told me that my husband said no exception even for his friends and family.

"So proud of you Anne. You did the right thing."

Hindi naman napigilan ni Krista na magparating ng mensahe sa kanyang asawa:

"To my husband Nino Lim, we will talk later.

"Next time you ask me for another child, my policy is no more," biro niya.

Continue reading below ↓

Ikinasal sina Krista at Niño sa California noong August 2010.

Biniyayaan ng limang anak ang kanilang pagsasama.

Nang isilang ni Krista noong May 2019 ang kanilang bunso, isa lang ang hiling niya kay Niño: “Stop asking me for more kids.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Krista Ranillo, nagtangkang bumili ng tatlong sakong bigas sa supermarket na pag-aari ng asawang si Niño Lim. Pero hindi siya pinayagan dahil sa ipinatutupad na policy ni Niño dala ng rice shortage sa Amerika.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results