Pasaway na mga Pinoy sa Italy, nagpa-party, arestado ng carabinieri  

Mar 16, 2020
Ang dating GMA-7 cameraman na si Jon Cruz, kasama ang kanyang misis na si Joan at dalawa nilang anak, ay kabilang sa mga Pinoy na naninirahan sa Italy at apektado sa lockdown na ipinatupad ng pamahaalan doon dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Screen grab from NBC News

Ang Italy ay isa sa First World countries na tinamaan nang matindi ng COVID-19.

Sa katunayan, ang Italy ang may pinakamaraming bilang ng COVD-19 cases sa labas ng China, kung saan nagmula ang coronavirus.

As of March 16, Lunes, 24,747 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Italy, at 1,809 na ang namamatay, ang 368 dito ay sa loob lamang ng isang araw.

Naalarma ang gobyerno nito at ni-lockdown ang buong Italia.

Tinatayang halos 108,000 ang bilang ng mga dokumentadong Pilipino na naninirahan sa Italy bilang permanent residents at temporary workers.

FORMER GMA-7 CAMERAMAN NOW ROME RESIDENT

Labingdalawang taon nang namamalagi ang former GMA-7 cameraman na si Jon Cruz sa Rome, Italy.

Dito na sila naninirahan at nagtatrabaho ng kanyang asawang si Joan, kasama ang kanilang mga anak na sina Joaqui at Abby.


Continue reading below ↓

Kahit permanent residents na sila sa Rome, hindi nawawala ang pagmamahal at pagmamalasakit nina Jon at Joan sa Pilipinas.

Araw-araw, sa pamamagitan ng Facebook, sinusubaybayan nila ang nagaganap sa ating bansa.

Nalulungkot ang mag-asawa sa tuwing nababasa nila ang pagiging pasaway at reklamador ng ilan nating kababayan tungkol sa community quarantine na ipinatutupad ng pamahalaan para mapigilan ang COVID-19 pandemic.

"Sana makinig at sumunod muna sila sa ipinatutupad ng gobyerno, bago sila magreklamo," sabi ni Jon nang makausap siya ng Cabinet Files sa telepono kahapon, March 15.

"Huwag silang maging pasaway.

"Matuto sila sa nangyari sa Italy na naging pasaway ang mga tao kaya kumalat ang coronavirus.

"Ang katuwiran nila, iba ang China sa Italy—pero ano nangyari?

"Marami ang nagkaroon ng COVID-19 at marami ang namamatay. Ngayon, sumusunod na sila sa Italian police."

Kasunod nito ay inilarawan ni Jon ang sitwasyon ngayon sa Italy.

"Sarado na ang lahat ng mga mall, museum.

Continue reading below ↓

"Kapag may mga bibilhin sa mga supermarket, isang miyembro lang ng pamilya ang puwedeng pumunta para maiwasan ang pagsisiksikan.

"Bibihira ang mga taong makikita mo sa kalye.

"Kapag magbabayad na kami sa cashier, ipinatutupad ang one-meter apart na distansiya."

Sinabi rin ni Jon na ipinagbabawal ng Italian government ang pagtanggap ng mga bisita sa bahay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

PINOYS PARTY, GET ARRESTED

Sadly, may mga Pilipino sa Italy na likas daw matitigas ang ulo.

Nilabag ng sampung Pinoy ang utos ng lockdown ng bansa kaya dinakip sila ng Carabinieri, ang law enforcement agency sa Italy na nagpapatupad sa domestic policing duties.

Alam ng lahat ng Pilipino sa Italy ang nangyari dahil headline sa Italian newspapers ang pagdakip sa sampung Pilipinong nanggaling pa sa Varese, Milan, at Bergamo na nagkikita-kita sa isang apartment sa Lonate Pozzolo para mag-party.

Nadiskubre ng Carabinieri ang ginagawa ng mga Pilipino dahil maiingay pa sila at malakas ang pagpapatugtog ng kanilang musika, dahilan para ireklamo sila ng mga kapitbahay.

Continue reading below ↓

Dinakip ang sampung Pilipino dahil sa paglabag sa Italian government decree para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

Bukod sa penalty na 206 euros each (P11,724 sa Philippine currency), tatlong buwang pagkakakulong ang parusa sa mga dinakip na Pilipino.

Sabi ni Jon, "Balitang-balita dito sa Italy ang ginawa ng sampung Pilipino. Alam na nga nila na bawal, nag-party pa sila.

"Mahigpit talaga ang Italian Police. Tinitingnan nila kung may ibang mga tao na nakatira sa bawat bahay ng mga pamilya."

DUTERTE THANKS CHINA

Ikinalungkot din ni Jon ang reaksiyon ng ilang Pilipino nang pasalamatan ni President Rodrigo Duterte ang China nang magdeklara ang Pangulo ng community quarantine sa Metro Manila noong isang linggo.

Saad niya, "Dito sa Italy, pinasasalamatan ang Chinese government dahil sa pagdating noong Huwebes, March 12, ng eroplano mula sa China na sakay ang Chinese medical staff na tutulong para maawat ang pagkalat ng coronavirus.

"May mga dala silang medical supplies, healthcare devices, at mga facemask.

Continue reading below ↓

"Mayamang bansa na ang Italy, pero tumanggap pa rin sila ng tulong mula sa China. Paano na ang Pilipinas?

"Dapat maintindihan ng mga Pilipino na sa panahon ng mga krisis, walang mayaman o mahirap na bansa dahil nagtutulungan ang lahat.

"Sana lang, huwag mangyari sa Pilipinas ang nangyayari ngayon sa Italy na naiwasan kung hindi naging pasaway ang mga Italian.

"Importante talagang sumunod sa batas at magkaroon ng disiplina, bago magreklamo dahil para naman sa ikaliligtas ng lahat ang ginagawa ng gobyerno."

Hindi naman nakapagpigil ang asawa ni Jon na magsalita dahil sa mga nababasa niyang negative reaction ng ilang mga Pilipino laban sa China.

Pahayag ni Joan, "Kung ang Italy nga na mayaman na bansa was offered help by China and they gladly accepted... Pilipinas pa na mas dapat tulungan?

"Let’s accept it... we don't have the means, feeling mo we just sold our souls to the devil?

"Kung may mas maganda kang solusyon, bring it on! This is not the time to be politically upright."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang dating GMA-7 cameraman na si Jon Cruz, kasama ang kanyang misis na si Joan at dalawa nilang anak, ay kabilang sa mga Pinoy na naninirahan sa Italy at apektado sa lockdown na ipinatupad ng pamahaalan doon dahil sa COVID-19.
PHOTO/S: Screen grab from NBC News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results