My Husband's Lover, ibabalik ng GMA-7 kapalit pansamantala ng Love of My Life

by Jojo Gabinete
Mar 16, 2020
Love of My Life (right) ng GMA-7, may naihandang bagong episodes hanggang sa March 20. My Husband's Lover (left), papalit sa Love of My Life simula March 23.
PHOTO/S: My Husband's Lover / Love of My Life

Mapapanood hanggang sa darating na Biyernes, March 20, ang mga bagong episode ng Love of My Life.

Ito ang top-rating primetime drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, at Coney Reyes.

May mga nakareserbang episodes ang Love of My Life bago nagdesisyon ang Kapuso Network management na ipahinto ang production ng kanilang mga drama series.

Starting Monday, March 23, ang replay ng My Husband’s Lover ang pansamantalang ipapalit ng GMA-7 sa timeslot ng Love of My Life.

Ang My Husband’s Lover ang phenomenal drama series na pinagbidahan nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo noong 2013.

Hindi lamang ang My Husband’s Lover ang lumang programa na ibabalik ng GMA-7.

Sa mga susunod na araw, muling mapapanood ang ibang shows na temporary replacement sa mga drama series ng Kapuso Network na apektado ng production shutdown.

Nagsimula na rin ngayong Lunes, March 16, ang replay ng mga episode ng Eat Bulaga na nagkansela ng live show habang matindi ang banta ng COVID-19 sa Pilipinas.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Love of My Life (right) ng GMA-7, may naihandang bagong episodes hanggang sa March 20. My Husband's Lover (left), papalit sa Love of My Life simula March 23.
PHOTO/S: My Husband's Lover / Love of My Life
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results