Lambanog epektibong alternatibo sa alcohol, ayon sa health officer ng Quezon

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2020

Ang disinfectant alcohol ang “best friend” ngayon ng marami dahil malaking tulong ito sa pag-iingat para hindi kumalat ang kinatatakutang coronavirus.

Kaya malungkot na katotohanan ang shortage ng produkto.

Sold-out at wiped out na ang mga disinfectant alcohol sa maraming convenience stores, supermarkets, at kahit drugstores.

Pero nabuhayan ang publiko sa report ni Jessica Soho sa pilot telecast ng Bantay COVID-19, ang bagong public service program ng GMA-7 tungkol sa mapaminsalang sakit, kahapon, March 16.

Sa kanyang special coverage, ibinalita ni Jessica na bilang alternatibo sa disinfectant alcohol, sinabi ni Quezon provincial health officer Dr. Grace Santiago na puwedeng panglinis ang konting patak lang ng lambanog.

"Mahigit pa raw sa 75 percent ang alcohol content po ng lambanog.

"Kailangan lang daw haluan ito ng konting tubig para bumaba ang concentration ng alcohol.

"Handa naman daw ang mga lambanog distillery sa lalawigan ng Quezon para tugunan ang pangangailangan ng pamahalaan kung hihilingin nila,” report ni Jessica tungkol sa lambanog bilang substitute sa disinfectant alcohol.

Continue reading below ↓

SAN MIGUEL TO DISTRIBUTE ALCOHOL FOR FREE

Samantala, welcome news ang announcement ni San Miguel Corporation President at COO Ramon Ang na gagamitin ng kanyang kompanya ang isa sa facilities nila para gumawa ng disinfectant alcohol.

Libre nilang ipamimigay ang disinfectant alcohol upang maagapan ang pagkalat ng COVID-19.

Nasimulan na ng San Miguel Corporation ang produksiyon ng 70 percent ethyl alcohol, na ginagamit na ng kanilang mga empleyado.

Pero kailangan pa nila ng government clearance para maipamahagi sa local government units ang mga produkto na malaking tulong sa mamamayang Pilipino.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results