Grab, pansamantalang suspendido lahat ng serbisyo simula ngayong March 17

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2020
Kabilang sa mga suspendidong serbisyo ng Grab ay GrabCar, GrabTrike, GrabFood, at GrabExpress.

Suspendido ang operasyon ng Grab mula ngayong Martes, March 17.

Ayon ito kay Brian Cu, ang presidente ng nasabing ride-hailing transport services.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ipinaabot ni Cu sa publiko ang desisyong suspendihin ang lahat ng klase ng serbisyo ng Grab.

Ito ay bilang pagsunod sa Enhanced Community Quarantine na ipinatutupad sa Luzon ng pamahalaan para malabanan ang COVID-19.

Ito ang mensaheng ipinarating ni Cu:

"Alinsunod sa directive ng DOTr regarding sa Enhanced Community Quarantine na ipapatupad sa Luzon, nais po naming ipagbigay alam sa inyo na lahat ng ating mga Grab services - GrabCar, GrabTrike, GrabFood, GrabExpress, etc. sa buong Luzon ay pansamantala po nating ihihinto starting March 17, 12MN upang pahalagahan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa.

"Nais ko rin pong ibahagi sa inyo na patuloy pa rin po tayong nakikipag-uganayan sa DOTr, LTFRB, at iba pang sangay ng pamahalaan upang imonitor ang public health situation na ito, at kami po ay patuloy na humahanap ng mga makabuluhang paraan upang tulungan at supportahan ang ating ka-Grab driver community.

Continue reading below ↓

"In the interest of public health safety, hinihikayat po namin ang lahat na manatili sa kanilang tahanan, at palagiing mag-observe ng personal hygiene.

"Babalitaan po namin kayo as soon as may mga mahalagang information na available. Maraming Salamat po."

Malaking dagok para sa libu-libong drivers ng Grab ang pansamantalang pagpapahinto ng management sa kanilang serbisyo.

Continue reading below ↓

Kaya hinihiling nila sa management na baka maaari silang mabigyan ng financial help sa pamamagitan ng loan, isang bagay na masusing pinag-aaralan daw ni Cu.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa mga suspendidong serbisyo ng Grab ay GrabCar, GrabTrike, GrabFood, at GrabExpress.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results