Mayor Isko Moreno, sinita mga tambay sa kalye at tambay sa lamay lampas ng curfew

by Jojo Gabinete
Mar 17, 2020
Mayor Isko Moreno, ipinagbawal ang pagtambay sa lamay dahil paglabag ito sa social distancing measures. Pinaalalahan din niya ang mga residente na sundin ang curfew.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook

Confirmed!

Ang katigasan ng ulo at hindi ang COVID-19 ang magpapahamak sa ating mga Pilipino.

Ang dami pa ring ipinagwawalang-bahala ang mga ordinansa laban sa mapamuksang sakit.

Ang inirekomenda ng pamahalaan ay curfew mula 8 p.m. hanggang 5 a.m.

Pero meron pa ring ilang nagmamagaling na Pilipino.

Kung hindi pa nag-ikot si Manila City Mayor Isko Moreno sa Kamaynilaan, hindi pa uuwi sa kanya-kanyang tahanan ang mga taong sinita niya, na wala na ngang pakialam sa curfew, hindi pa nagdala ng mga ID.

Nang paalalahanan ni Mayor Isko ang isang kabataang lalaki na magdala ng ID, sumagot ito ng “Sige po, Isko.”

Balik-tanong ng actor-politician: "Anong, 'Sige po, Isko?' Barkada ba tayong dalawa? Hindi naman. Mag-iingat kayo."

Kabilang sa mga sinita ni Mayor Isko ang mga tricycle driver na nakatambay sa kalye, kahit walang mga pasahero.

SOCIAL DISTANCING SA LAMAY

Hindi rin nakaligtas kay Mayor Isko ang mga taong naglalamay sa burol ng patay.

Continue reading below ↓

Ang pakikilamay ay isang uri ng mass gathering at, bagamat nakaugalian na natin, ay pagsuway pa rin sa social distancing na ibinibilin ng gobyerno.

Maliban na lang kung talagang gusto ng mga itong sumunod sa bangkay na kanilang pinaglalamayan.

"O, kayong mga nasa patay, anong ginagawa ninyo?

"Gusto niyo bang mahuli pa kayong lahat? Di ba may curfew?

"Walang sinabi sa batas na kapag may lamay, puwedeng maglamay.

"May curfew, e. Pahinga na, puwede naman makidalamhati.

"Uwi naaa!” paninita ni Moreno, gamit ang public address system na naka-install sa sasakyan niya.

METRO MANILA MAYORS

Hindi lamang si Isko ang mayor sa Metro Manila na visible sa kalye at hands-on sa paglutas sa malaking banta na hatid ng COVID-19.

Aktibo rin sina Pasig City Mayor Vico Sotto at San Juan City Mayor Francis Zamora.

Noong March 15 ang 50th birthday ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, pero hindi siya nagkaroon ng selebrasyon.

Continue reading below ↓

Kahit na work from home ay hinarap niya ang mga problema ng siyudad na kanyang pinamumunuan.

Malaking bagay naman para sa mga mamamayan, na sa panahon ng mabigat na pagsubok, personal nilang nakakasalamuha ang kanilang elected officials.

Nitong madaling-araw ng Martes, March 17, personal na pinuntahan ni President Rodrigo Duterte ang Valenzuela-Meycauyan boundary checkpoint.

Malinaw ang media reports na marami sa mga kababayan natin ang stranded doon nang ipatupad mula kagabi, March 16, ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Sinusunod nga lang naman ng mga nakabantay sa checkpoint ang kanilang orders.

Pero matapos kausapin ng Pangulo ang mga pulis at military officers doon, inalis na ang mga harang at pinayagang makaraan ang mga taong stranded.

Malinaw namang may pangangailangang magplano muli ang mga namumuno sa tamang rules at implementation ng quarantine.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Isko Moreno, ipinagbawal ang pagtambay sa lamay dahil paglabag ito sa social distancing measures. Pinaalalahan din niya ang mga residente na sundin ang curfew.
PHOTO/S: Isko Moreno Domagoso Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results