Off the air ang 24-hour news channel na CNN Philippines mula ngayong Martes, March 18, hanggang bukas, March 19.
Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang empleyado ng isa sa mga opisina sa Worldwide Corporate Center, ang building sa Shaw Boulevard na kinaroroonan ng CNN Philippines.
Pansamantalang hindi mapapanood ang mga programa ng CNN Philippines upang mapatupad ng building management ang kinakailangang disinfection at sanitation.
Ito ang official statement na inilabas ng pamunuan ng CNN Philippines sa Twitter ngayong araw:
"The management of the Worldwide Corporate Center along Shaw Boulevard — where CNN Philippines is housed — will be disinfecting the premises after an employee of another office within the building has been confirmed infected.
"As a result, CNN Philippines will be off the air for at least 24 hours.
"CNN Philippines will continue to provide the news through its website and its Twitter, Facebook, and Instagram accounts. Updates will also be posted on the CNN Philippines Viber community.
"We have prepared for this emergency. For more than two weeks, many of our colleagues have been isolated and working from home already.
"We took that step in anticipation of something like this to happen. CNN Philippines still has a team working to gather stories that matter and to bring them to you as they happen."
PRECAUTIONARY MEASURES
Mahigpit na ipinatutupad sa lahat ng television networks ang precautionary measures para hindi kumalat ang COVID-19.
Hindi exempted sa banta ng COVID-19 ang mga news reporters at TV crew na nag-iikot sa buong paligid at nangangalap ng mga balita para sa kapakanan ng publiko.
Hindi lamang ang mga news reporters at TV crew ang nag-iingat dahil sumusunod din sa social distancing ang mga news anchors, gaya nina Mike Enriquez, Vicky Morales, at Mel Tiangco ng 24 Oras na may distansya sa isa’t isa habang naghahatid ng balita.