Filipina-American na nagbakasyon sa Pilipinas, first COVID-19-related death sa Los Angeles County

by Jojo Gabinete
Mar 18, 2020
Ang mag-asawang Loretta at Roddy sa larawang kuha nang magbakasyon sila sa Pilipinas. Si Loretta ang first reported case na namatay dahil sa coronavirus sa Los Angeles County.
PHOTO/S: Los Angeles Times

Headline ng Los Angeles Times ang balita tungkol sa mag-asawang Roddy at Loretta ng Orlando, Florida.

Nagbakasyon sila sa Pilipinas simula noong unang linggo ng Pebrero, bilang pagdiriwang ng kanilang retirement sa advertising matapos ng mahigit 30 taong paglilingkod.

Nagbakasyon din sina Roddy at Loretta sa Thailand.

Nagkaroon naman sila ng layovers sa Seoul, South Korea, habang papunta sa Pilipinas, at nang bumiyahe sila patungo sa California noong March 8, 2020.

Plano ng mag-asawang manatili ng dalawang gabi sa bahay ng kapatid ni Roddy sa Walnut, California, bago sila bumalik sa Florida ng March 10.

Pero hindi na nakabalik si Loretta sa Florida dahil binawian siya ng buhay noong March 10.

Kinumpirma ng mga doktor ng Pomona Valley Hospital Medical Center na positibo sa coronavirus ang 68-year-old patient.

Diabetic at breast cancer survivor si Loretta.

Si Loretta ang first reported case na namatay dahil sa coronavirus sa Los Angeles County.

Continue reading below ↓

NO COVID-19 TEST FOR RODDY

Nang matagpuan ni Roddy na mahina ang pulso ni Loretta, sinubukan niyang iligtas ang asawa sa pamamagitan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) bago ito dinala sa ospital.

Naka-self-quarantine sa kasalukuyan si Roddy sa bahay ng kanyang kapatid dahil nagkaroon siya ng lagnat at mga sintomas ng COVID-19.

Lubos na nag-aalala ang mga anak ni Roddy dahil hindi inirekomenda ng Department of Public Health ng L.A. County ang COVID-19 testing sa kanilang ama.

Sinabi raw ng doktor na hindi sapat na nagkaroon ng close contact sa kanilang pumanaw na ina ang 72-year-old father nila para sumailalim ito sa COVID-19 testing.

Kailangan umanong makita munang may sintomas ng coronavirus ang kanilang ama.

Dismayadong-dismayado ang mga anak nina Roddy at Loretta sa mga nangyayari dahil hindi raw nila matatanggap na mawawalan sila ng mga magulang sa loob ng isang linggo.

Malungkot na malungkot din sila dahil solong nagdadalamhati ang ama sa biglang pagkawala ng kanilang ina.

Continue reading below ↓

"They wouldn’t do the testing unless he was in critical condition. It was mind blowing.

"I’m, like, 'Wait, you’re asking us to take a chance and wait for him to get bad before he gets a test?'" pahayag ni Rem, ang anak na lalaki nina Roddy at Loretta sa panayam sa kanya ng News6, isang news program sa Orlando, Florida.

Nagdesisyon ang mga anak nina Roddy at Loretta na ibahagi sa publiko ang kanilang karanasan bilang patotoong nangyayari ito kahit kanino.

Nakiusap lamang silang huwag nang banggitin ang kanilang apelyido dahil sa pangambang husgahan at iwasan ng publiko.

Pero inilabas ng Los Angeles Times at News6 ang larawan ng mga magulang nila habang nagbabakasyon sa Pilipinas.


Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mag-asawang Loretta at Roddy sa larawang kuha nang magbakasyon sila sa Pilipinas. Si Loretta ang first reported case na namatay dahil sa coronavirus sa Los Angeles County.
PHOTO/S: Los Angeles Times
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results