Mayor Joy Belmonte, hinahanap ng mga taga-Quezon City sa kasagsagan ng COVID-19? 

by Jojo Gabinete
Mar 18, 2020
Umaani ngayon ng batikos si Mayor Joy Bemonte dahil sa paratang na hindi siya nasisilayan ng mga residente ng Quezon City sa gitna ng banta ng COVID-19, at ang pamamahagi niya ng health kits na nakalagay sa bag na may pangalan niya,
PHOTO/S: Facebook

Dahil sa pagkabagot habang nasa quarantine ang buong Luzon, nakaisip ang ilang netizens ng bagong libangan—ang puzzle game na tinawag nilang "Finding Mayor."

Sa tulong ng lahat ng social media platforms, sinusubaybayan at sinasaliksik ng netizens ang kanilang mga mayor.

Tinitignan kung ano ang ginagawa ng mga ito, kabilang na kung anong mga ordinansa ang ipinatutupad ng mga ito sa bawat bayan at siyudad para malabanan ang banta ng COVID-19 at matulungan ang mga nangangailangan.

Continue reading below ↓

Ang mga pangalan nina Pasig City Mayor Vico Sotto, Manila City Mayor Isko Moreno, at Cainta Mayor Kit Nieto ang panalong-panalo sa "Finding Mayor" game.

Bukod sa visible daw ang tatlong alkalde, ramdam na ramdam umano ng kanilang constituents ang pagsisikap nila para malutas ang mga problemang dulot ng COVID-19 na kumitil na ng maraming buhay.

Continue reading below ↓

WHERE IS MAYOR JOY?

Sa "Finding Mayor" game, si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang umaani ng pinakamaraming batikos dahil sa paratang na hindi siya nasisilayan ng mga residente ng Quezon City.

Ginawan din ng memes ang litrato ni Mayor Joy na may hawak na thermal scanner at nilagyan ng caption na: "No, this is not a weapon from Star Wars.This is our new high tech thermal scanner."

Binabatikos si Mayor Joy, hindi lamang sa kanyang Facebook page, dahil matitindi rin ang mga kritisismo sa comments section ng GMA News Online, na naglabas ng report sa pahayag niya tungkol sa enhanced community quarantine.

Sa naturang phone-patch interview ng 24 Oras noong Martes nang gabi, March 17, sinabi ni Mayor Joy na hindi pa kumpleto ang pagpapatupad nito sa quarantine sa Quezon City dahil hindi pa malinaw ang mga patnubay.

Ito ay sa kabila ng pagdedeklara niya sa Quezon City ng state of calamity noong March 13, 2020.

Continue reading below ↓

AWAITING GUIDELINES FROM NATIONAL GOVERNMENT

Pahayag ni Mayor Joy: "Very vague pa rin hanggang ngayon ang instructions ng national government. Broad stroke pa lang ang binigay sa amin.

"Yung mga detalye ay marami pang kailangan linawin."

May katotohanan ang sinabi ni Mayor Joy.

Panay general instructions pa lang ang inilalabas ng national government (tulad ng pagtatalaga ng border checkpoints), ngunit kulang ng implementing rules (anong mangyayari kung iisa lang ang thermal scanner?).

Nangyayari tuloy na nagkukumpol-kumpol ang daan-daang mga tao sa city borders, na salungat sa instruction ng national government din na dapat ay laging may social distancing.

Ganunpaman, ang artikulo tungkol kay Mayor Joy ay nagtala ng 24,000 comments, mostly unfavorable, mula sa nagagalit na netizens.

Continue reading below ↓

Hindi pa naglalabas si Mayor Joy ng reaksiyon tungkol sa isyung ipinupukol laban sa kanyang administrasyon, at sa akusasyong hindi nararamdaman ng Quezon City residents ang presence niya.

MAYOR JOY'S FACEBOOK PAGE

Pero sinagot ni Mayor Joy sa kanyang official Facebook page ang mga puna tungkol sa health kits na ipinamahagi niya sa mga barangay.

Ang mga ito ay may taglay na pangalan ng mayora.


Continue reading below ↓

Ani Mayor Joy: "My friend Angeli Pangilinan, Gary Valenciano’s wife, messaged me earlier to tell me I was being bashed for distributing health kits to the barangays due to a taken out of context caption reposted by my socmed on my official page from a lengthy personal post - an honest oversight on their part."

May halong galit na sinabi rin ng alkalde ng QC: "I told myself, I feel by far happier being bashed distributing health kits (and I thank my dedicated staff for braving the threat of the virus to make sure families receive these items in their own homes) than being bashed for committing plunder, graft and corruption, which are illegal offenses."

Malinaw na sa tingin niya ay gawa-gawa ito ng kanyang mga kaaway sa politika: "Even tho I am being bashed for distributing health kits, (and following logic, probably bashed later for distributing food, school bags and school supplies), I am still grateful that this is all my enemies can pin on me after 10 years of public service.”

Continue reading below ↓

Ngayong Miyerkules ng hapon, March 18, ay nagsagawa si Mayor Joy ng press briefing, kaugnay ng COVID-19 outbreak, na napanood nang live sa Facebook.

Dito ay inanunsiyo na tatlong lugar sa Quezon City ang nasa ilalim ng "extreme enhanced quarantine."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umaani ngayon ng batikos si Mayor Joy Bemonte dahil sa paratang na hindi siya nasisilayan ng mga residente ng Quezon City sa gitna ng banta ng COVID-19, at ang pamamahagi niya ng health kits na nakalagay sa bag na may pangalan niya,
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results