Mayors sa NCR, kumikilos na laban sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Mar 18, 2020
(L-R) Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcilla, Makati Mayor Abby Binay, Biñan City Mayor Arman Dimaguila, at Cainta Mayor Kit Nieto—may mga pagkilos na ginagawa upang masugpo ang kinatatakutang pagkalat ng COVID-19 sa mga lungsod na pinamumunuan nila.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Walang katotohanan ang balitang ikinakalat ng mga mapaglarong "concerned citizens" na aktibo na naman sa pag-iikot ang puting van na napabalita noong nangunguha ng mga bata.

Lalong hindi totoong mga mayor naman ang puntirya ngayon ng puting van dahil hindi sila nararamdaman ng taumbayan sa panahon ng COVID-19.

Hindi lamang si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pinararatangang hindi nararamdaman ng kanyang constituents dahil pinaghahanap din ang mga mayor ng iba’t-ibang bayan at siyudad.

Sina Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcilla, Pasay City Mayor Emi Rubiano, at Malabon City Mayor Lenlen Oreta ang ilan sa iba pang mayor na sinasabi ng kanilang nasasakupan ay nawawala.

Pero, gaya kay Mayor Joy, makikita sa mga social media page ng mga alkaldeng ito ang mga litrato at video ng pagtulong at serbisyo nila.

QUEZON CITY MAYOR

Isang kaalyado ni Mayor Joy ang nagpatotoong araw-araw sa Quezon City Hall ang alkalde dahil hands on siya sa paglutas sa mga problemang may kinalaman sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng press conference si Belmonte nitong Miyerkules ng hapon, March 18, para ipaalam sa lahat ang mga hakbang na gagawin ng pamahalaan niya tungkol sa mga lugar na apektado ng COVID-19.

Naglabas na rin ang QC Government Facebook page ng detalyadong quarantine measures na ginagawa nito, kasama na ang ang pag-pinpoint sa mga barangay na nasa "extreme and enhanced community quarantine" na dahil sa proven Covid-19 cases dito.

Kasama pa ang pagtalaga ng mga harang at checkpoints sa paligid ng government hospitals sa Quezon City. May 500 meters na protective area, kunsaan hindi basta makakalapit ang mga walang business doon.

Continue reading below ↓

STA. ROSA CITY MAYOR

Ipinagtanggol naman si Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcilla ng kanyang mga kababayan.

Isang supporter ni Arcilla ang nagpayo sa kanyang ipakita niya sa mga basher na hindi lamang siya magaling mag-make up.

Matiyaga si Arcilla sa pagsagot sa mga tanong sa kanya ng mga kababayan niyang nababahala nang husto sa epekto ng COVID-19.

Continue reading below ↓

MAKATI CITY MAYOR

Maligayang-maligaya ang mga residente ng Makati City dahil sa free hospitalization, free isolation center, deferred tax payments with no interest, cash handouts sa tricycle drivers, shuttle service at dormitory para sa frontliners na hatid ni Mayor Abby Binay.

BIÑAN CITY MAYOR

Ibinalita ni PEP,ph contributor Rommel Gonzales na satisfied sila sa pamamalakad ni Biñan City Mayor Arman Dimaguila.

Continue reading below ↓

Namahagi si Dimaguila ng mga reusable facemask, disinfectants, at mga pagkain tulad ng manok at sayote.

May libreng sakay rin para sa frontliners dahil sa 40-units ng e-trike na inilaan ni Dimaguila.

CAINTA MAYOR

Hindi lamang ang serbisyong totoo ni Cainta Mayor Kit Nieto ang pinupuri ng mga kababayan nito dahil panalong-panalo rin ang mga witty post niya sa kanyang Facebook page.

Continue reading below ↓

Nang payuhan si Nieto ng isang concerned citizen na magpahinga muna siya dahil baka bumagsak ang kanyang immune system, sumagot ang Cainta mayor ng: “Paano ako makakapagpahinga eh ang dami ninyong tanong?"

At nang sabihin niyang mamimigay siya ng mga Bactidol na kanyang binili, may bilin si Nieto:

"Para lang ito sa may sore throat. Wag niyong gamitin ito dahil may date kayo o dahil may bulok kayong ngipin at gusto niyong bumango hininga ninyo..

"May krisis tayo.. pinagkakasya ko lang ang pondo natin.. du’n muna lahat ang focus.. ‘yung kayang bumili, at may mabibilhan, wag na kayong sumali.. ibalato niyo na sa wala.

"5,000 bottles ang initial order ko.. lahat na ng paraang kaya, ginagawa ko para masalba tayo. Isip isip pa."

Continue reading below ↓

BALIUAG MAYOR POSITIVE FOR COVID-19

Kung abala ang mga nabanggit na alkalde sa pagtulong sa kanilang constituents, napilitan namang magpahinga si Baliuag Mayor Ferdie Estrella dahil nagpositibo ito sa COVID-19.

Nalaman niya ang resulta kahapon, March 17.

Mensahe ni Estrella sa kanyang Facebook post: "Noong nakaraang linggo, nakaranas po ang inyong lingkod ng panghihina ng katawan at sipon.

"Dahil katulad ito ng sintomas ng isang positibo sa Covid19, minabuti kong sumangguni kaagad sa doktor, at ngayong araw ay lumabas na nga po ang resulta na ako ay kabilang sa may taglay ng nasabing virus.

"Kaya naman matapos kong makumpirma ang aking kalagayan, minabuti kong agad itong ipaalam sa inyo, dahil deserve nyong malaman ang totoo.

"Gayunpaman, kahit ako ay nagpapagaling, naka-monitor ako sa mga kaganapan sa ating bayan, dahil bilang Ama ng Baliwag, tungkulin kong tiyakin na maayos kayong lahat.

"Katunayan, noong araw na ako ay nagpunta sa pagamutan ay siya ring araw nang inilabas ang aking executive order para sa Task Force Covid19."

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcilla, Makati Mayor Abby Binay, Biñan City Mayor Arman Dimaguila, at Cainta Mayor Kit Nieto—may mga pagkilos na ginagawa upang masugpo ang kinatatakutang pagkalat ng COVID-19 sa mga lungsod na pinamumunuan nila.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results