Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Pinoy na tagalinis ng train sa Italy, itinuturing na bayani

by Jojo Gabinete
Mar 19, 2020
Si Lester Ramones ay Pilipinong dalawang taon nang nagtatrabahp bilang janitor sa Bologna Center Train Station, sa Italy. Itinuturing na bayani si Lester dahil sa araw-araw niyang paglilinis at pagdi-disinfect sa mga train doon kahit delikado ito para sa kanya.
PHOTO/S: Courtesy of Lester Ramones

"Janitor lang po ako."

Ito ang mapagkumababang sabi ni Lester Ramones, 33, na nagtatrabaho bilang janitor sa Bologna Center Train Station.

Hindi health worker si Lester, pero itinuturing siyang bayani sa Bologna, Italy, dahil araw-araw siyang naglilinis at nagdi-disinfect ng mga train upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang Italy ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa labas ng China, kung saan nagsimula ang virus.

Sa report ng CNN, mahigit 31,000 na ang infected ng COVID-19 sa Italy; at mahigit 2,500 na ang bilang ng mga namatay.

Malaki ang banta sa kalusugan ni Lester, pero patuloy ito sa pagre-report sa kanyang trabaho, mula 6 a.m. hanggang 1:30 p.m., bilang tagalinis ng mga tren sa Bologna.

Dahil sa kanyang trabaho ay na-feature ang istorya ni Lester sa isang news site sa Italy.

Nang makausap ng Cabinet Files si Lester sa telepono, nagpahayag siya ng pagtataka dahil Italian ang reporter na nag-interbyu sa kanya pero nalaman namin ang kuwento tungkol sa trabaho niya.

Continue reading below ↓

Sinabi namin sa Filipino janitor na isang kababayan natin sa Rome, Italy, ang nagparating sa amin tungkol sa paglilingkod niya na pinupuri ng mga Italyano.

RAMONES ON ITALIANS: "ANG TITIGAS NG ULO..."

Labing-isang taon nang naninirahan si Lester sa Bologna.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Matagal siyang nagtrabaho bilang service crew ng McDonald’s bago pumasok na janitor sa Bologna Train Station.

Dalawang taon na siya sa kasalukuyang trabaho.

Sa panayam kay Lester ng Cabinet Files, sinabi niyang nakaramdam siya ng takot nang kumalat ang COVID-19 sa Italy pero may obligasyon siyang dapat tuparin.

Lahad niya, "Natakot din po ako dahil ang parte na tinamaan po ng COVID-19, ang Milano [Milan].

"Unang ni-lockdown ang Milano dahil sa katigasan ng ulo ng mga Italyano.

"Ang titigas ho ng ulo, hindi sila naniniwala.

"Meron na ho na mga kaso ng COVID-19 dito sa Bologna, marami na rin. Umabot na ho ng isandaan."

Naniniwala si Lester na may mga COVID-19-infected persons na pasahero ng Bologna train, kaya todo ang pag-iingat niya.

Continue reading below ↓

"Bale ngayon, wala nang masyadong mga tao dahil sa lockdown.

"Ang proteksiyon namin, gumagamit kami ng gloves, may face mask na araw-araw na ibinibigay ng boss namin.

"Hindi naman ho mahirap ang trabaho ko, ngayon lang dahil sina-sanitize namin ang lahat ng mga hawakan ng tao. Nag-spray kami ng mga disinfectant.

"Para sa akin, ngayong walang mga tao o pasahero, mas safe kami.

"Pero hindi namin alam ang mangyayari kapag nagbalikan ang maraming tao dahil magbubukas ang train station sa April 3.

"Hindi ho natin alam kung malulutas ang problema sa COVID-19 kasi ang dami talagang matitigas ang ulo. Maraming namamasyal.

"Ang tigas ho ng ulo ng mga matatanda dito, kaya may multa na at makukulong ng tatlong buwan ang mga hindi sumusunod sa batas.

"Marami na ho akong nakita na hinuli sa mismong train station sa Bologna."

GOING HOME

Bukod sa pagtatrabaho sa Bologna Center Train station, may mga part-time job si Lester. Pero nahinto ito dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, hindi tiyak ni Lester ang mga susunod na mangyayari.

Pero umaasa siyang matatapos na ang malaking problema sa COVID-19 para matuloy ang planong pagbabakasyon sa Pilipinas sa May 2020, dahil ayaw niyang masayang ang sale plane ticket na kanyang binili.

Si Lester ay taga-Mababanaba, San Jose, Tarlac.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Lester Ramones ay Pilipinong dalawang taon nang nagtatrabahp bilang janitor sa Bologna Center Train Station, sa Italy. Itinuturing na bayani si Lester dahil sa araw-araw niyang paglilinis at pagdi-disinfect sa mga train doon kahit delikado ito para sa kanya.
PHOTO/S: Courtesy of Lester Ramones
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results