Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bawal ang pasaway: Multa sa lumabag ng curfew sa Riyadh aabot sa P135,000 plus kulong

by Jojo Gabinete
Mar 25, 2020
(Kaliwa) May paalala ang Dubai Police sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa Dubai na "Manatili Sa Bahay," (kanan) Aabot naman sa 10,000 riyals o P135,000 ang multa kapag lumabag sa ipinatutupad na curfew sa Riyadh, Saudi Arabia.
PHOTO/S: Credit to owners

Viral na ang litrato ng mga police car sa Dubai na may nakalagay na Arabic word para sa "#StayHome."

Nakasalin ito sa wikang Pilipino na "#ManatiliSaBahay" na bahagi ng kampanya ng United Arab Emirates laban sa COVID-19.

Simula ngayong araw, March 25, sarado na ang malls, restaurants, at markets sa Dubai. Pero magtatagal lamang ito ng dalawang linggo.

May pasok pa rin sa opisina ang ilang mga kumpanya roon.


Continue reading below ↓

BAWAL ANG PASAWAY SA RIYADH DAHIL...

Sa Riyadh naman, normal nang makikita sa kalsada ang mga police car na may nakalagay na #StayHome at translated sa iba-ibang mga lengguwahe para higit na maintindihan ng mga dayuhan sa capital city ng Saudi Arabia.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ayon ito kay Paul, ang kababayan nating nakausap ng Cabinet Files nitong Martes ng gabi, March 24.

Ipinatutupad na rin sa Saudia Arabia ang curfew mula 7 p.m. hanggang 6 a.m.

Ito ay dahil nitong Martes, March 24, nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga positibo sa COVID-19 sa naturang bansa.

Isa na ang namatay at 767 ang infected ng coronavirus kaya suspendido na ang lahat ng klase ng public transport tulad ng taxi, bus, train, Uber, kasama ang domestic at international flights.

"Wala naman mga pasaway na Pilipino sa Riyadh kasi ang mahal ng multa kapag nahuli ka na lumalabag sa curfew.

"10,000 Saudi Riyals ang penalty na mahigit P135,000 ang equivalent sa Philippine peso, plus 21-days na kulong.

Continue reading below ↓

"Mas mahal ang multa sa Kuwait dahil aabot ng P1.3 million."

Sabi ni Paul tungkol sa sitwasyon sa Saudi Arabia, "Mas marami ang infected dito ng COVID-19 kesa diyan sa Pilipinas dahil karamihan, galing sa biyahe mula sa iba’t ibang bansa.

"Yung iba, nag-transit sa Pilipinas, pagdating dito, positive."

Napansin din ni Paul na hindi pina-practice ng mga tao sa Riyadh ang social distancing kapag nagpupunta sa mga supermarket.

Bilang preventive measure laban sa COVID-19, hindi na pumapasok si Paul sa opisina dahil pinayagan ang mga empleyado na magtrabaho mula sa kanilang mga tahanan.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Kaliwa) May paalala ang Dubai Police sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa Dubai na "Manatili Sa Bahay," (kanan) Aabot naman sa 10,000 riyals o P135,000 ang multa kapag lumabag sa ipinatutupad na curfew sa Riyadh, Saudi Arabia.
PHOTO/S: Credit to owners
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results