Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Mayor Vico Sotto, bibigyan ng financial aid ang PUV drivers sa Pasig City

by Jojo Gabinete
Mar 26, 2020
Simula Lunes, March 30, bibigyan ng Pasig City government ng P3,000 each ang 12,000 tricycle drivers, 5,800 jeepney drivers, at 700 UV drivers.
PHOTO/S: Instagram

Hindi lamang mga tricycle drivers sa Pasig City ang tatanggap ng financial assistance mula sa city government na pinamumunuan ni Mayor Vico Sotto.

Kasama rin sa mabibigyan ang mga driver ng jeepney at UV Express.

Simula Lunes, March 30, bibigyan ng Pasig City government ng P3,000 each ang 12,000 tricycle drivers, 5,800 jeepney drivers, at 700 UV drivers.

Para sa transparency purposes, naka-post sa official Facebook page ni Sotto ang computation ng P55.5 million budget na nakalaan para sa public transport drivers.

Continue reading below ↓

Umaaray ang mga driver dahil nawalan sila ng hanapbuhay mula nang ipatupad sa Luzon ang Enhanced Community Quarantine para labanan ang COVID-19.

Ipinaalaala ni Mayor Sotto sa public transport drivers na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng kanilang mga samahan para malaman nila ang oras ng pamimigay ng financial assistance sa Lunes, March 30.

Tuwang-tuwa ang mga namamasada sa magandang balita at sa pagmamalasakit ni Sotto para sa kanila, dahil apektadong-apektado na ng COVID-19 threat ang kabuhayan nila.

MAAGANG PASUWELDO NI MAYOR kit

Meanwhile, maagang natanggap ng mga empleyado ng Cainta government ang kanilang mga suweldo, sa utos ni Mayor Kit Nieto.

Sabi ng alkalde: "Salaries ng lahat ng empleyado ng gobyerno sa Cainta hanggang katapusan ng Marso, pinapalabas ko ngayon para makasuweldo lahat hanggang bukas."

Paalala naman nito: "O ‘wag na kayong makisali sa bigayan ng bigas at de lata. May pera na kayo. Trabaho tayo.”

Continue reading below ↓

MAYOR JOY, PAHINGA MUNA SA SOCIAL MEDIA

Sa Quezon City, hindi na active sa social media si Mayor Joy Belmonte buhat nang makatanggap ng sunud-sunod na mga batikos mula sa kanyang constituents, at maging sa ibang mga tao na hindi residente ng siyudad.

Dati-rati, araw-araw na may post si Belmonte sa Facebook tungkol sa activities niya, pero noong March 21 pa ang kanyang huling entry.

Nagpasalamat siya kay Robin Padilla dahil sa mensahe ng suporta nito.

Nakatulong ang pansamantalang pamamahinga ni Belmonte sa social media para mabawasan ang mga puna laban sa kanyang pamamalakad sa Quezon City.

Samantala, dapat papurihan ang Quezon City residents na tumanggi sa relief goods na ipinamimigay ni Belmonte.

Sinabihan nila ang mga tauhan ng mayor na kumatok sa kanilang mga tahanan na ibigay na lamang ang tulong sa mga mahihirap na taong higit na nangangailangan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula Lunes, March 30, bibigyan ng Pasig City government ng P3,000 each ang 12,000 tricycle drivers, 5,800 jeepney drivers, at 700 UV drivers.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results